Rommel ‘hoping’ na magkakabalikan pa sina Kathryn, Daniel

Rommel ‘hoping’ na magkakabalikan pa sina Kathryn, Daniel: ‘I still pray!’

Pauline del Rosario |May 10,2024
facebook
share this

Rommel ‘hoping’ na magkakabalikan pa sina Kathryn, Daniel: ‘I still pray!’

Pauline del Rosario - May 10, 2024 - 10:39 AM

Rommel ‘hoping’ na magkakabalikan pa sina Kathryn, Daniel: ‘I still pray!’

Rommel Padilla, KathNiel

“IPINAGDARASAL ko na sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan.”

‘Yan ang sagot ng dating action star at ama ni Daniel Padilla na si Rommel matapos tanungin ng Stars Photog kamakailan lang na ibinandera sa TikTok.

Ayon kay Rommel, normal lang sa isang couple na may pinagdadaanang pagsubok kaya umaasa pa rin daw siya na posible pa ring magkabalikan ang kanyang anak at ang aktres na si Kathryn Bernardo.

“Talagang nangyayari ‘yan eh. Dumadating ‘yung puntong nagkakasubukan,” sey ng batikang aktor.

Patuloy niya, “Pero para sa akin, I still pray na sana dumating ‘yung panahon na magkita sila ulit, magkaunawaan dahil napakalaking panahon ‘yung nilaan nila sa pagmamahalan nila.”

Baka Bet Mo: Kathryn naniniwala sa second chance; payag bang makipagbalikan kay Daniel?

“Kaya ipinagdarasal ko na sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan,” wika pa niya nang tanungin sa kanyang reaksyon sa breakup ng KathNiel.

Inamin din ni Rommel na nanghihinayang siya sa paghihiwalay ng kanyang anak at ni Kathryn sa kabila ng napakatagal na pagsasama nila.

“Kayo po ba nanghihinayang?” tanong ng entertainment vlogger.

Ang sagot ng ama ni Daniel, “Of course. Lahat kami, lahat kami.”

Bandang huli ay tila nagpaabot siya ng mensahe sa dating couple, “Habang sila mga single, sana magmuni-muni muna talaga sila o timbangin nila ‘yung kanilang naging pagmamahalan sa kasalukuyan. Dapat bang the same? Dapat bang magkabalikan? I guess ito ‘yung time na ‘yun eh. Makikita nila sa mga darating na araw.”

Kung maaalala, November 30 last year nang umamin sina Kath at DJ na nag-break na sila makalipas ang mahigit 11 years na relasyon.

Ayon kay Kathryn, aware siya sa “breakup rumors” kaya naman pinili niyang kumpirmahin na wala na talaga sila ni Daniel.

Aniya, halos kalahati ng buhay niya ay kasama niya si Daniel at sa kabila ng nangyari ay wala siyang pinagsisisihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lubos naman ang pasasalamat ni Daniel sa dating girlfriend dahil hindi raw siya iniwan kahit ano pa man ang pinagdaanan niya sa buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending