Ogie Diaz buhay pa rin ang vlog kahit nahaharap sa kontrobersya

Ogie Diaz buhay pa rin ang vlog kahit nahaharap sa kontrobersya

Therese Arceo |May 10,2024
facebook
share this

Ogie Diaz buhay pa rin ang vlog kahit nahaharap sa kontrobersya

Therese Arceo - May 10, 2024 - 06:14 PM

Ogie Diaz buhay pa rin ang vlog kahit nahaharap sa kontrobersya

BUHAY na buhay pa rin ang showbiz vlog ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz kahit na kasalukuyan itong may pinagdaraanan.

Sa naturang show ay kasama niya bilang co-hosts sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, Ate Mrena at Tita Jegs.

Sa last episode nito noong Miyerkules, May 8, sinabi ni Ogie na patuloy pa rin sila sa paghahatid ng balitang showbiz sa kabila ng pinavdaraanang isyu.

“Buhay na buhay pa rin tayo, sa kabila ng mga alam mo na, no… alam n’yo na ‘yan, ‘di ba? Basta tayo rito ay tuloy-tuloy pa rin po sa pagbibigay at paghahatid sa inyo ng mga balita. Buhay na buhay po kami at habang ‘yong iba eh patay na patay sa ‘min,” saad ng talent manager.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tahimik muna sa isinampang kaso ni Bea Alonzo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang sinasabing kinakaharap na isyu nina Ogie at ng kanyang mga co-hosts ay ang paghahain ng reklamo ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kanila pati na rin kina Cristy Fermin at sa mga co-hosts nito sa online show na “Cristy Ferminute” at “Showbiz Now Na”.

Matatandaang nitong nagdaang linggo lang nang mapabalita na dumulog si Bea sa Quezon City Prosecutor’s Office para magsampa ng tatlong magkakahiwalay na kasong cyber libel.

Sa kabila nito ay sinabi naman ni Ogie na wala siyang sama ng loob o anumang galit sa Kapuso actress at karapatan naman nito na magdemanda.

Pero sinisiguro ng talent manager na dedepensahan niya ang sarili sa korte.

“Pero ito, ha, sa totoo lang, buksan niyo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo. Kasi ako, naniniwala ako, karapatan niya yan.

“Kung feeling niya, e, nasaktan natin siya, karapatan niya yon. In the same way na siyempre kailangan din naming idepensa yung aming sarili at ipaglaban kung ano yung para sa amin,” pahayag pa ni Ogie Diaz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending