KC nakiusap na huwag nang pag-usapan ang isyu nila ni Sharon

KC nakiusap kay Cristy na huwag nang pag-usapan ang isyu nila ni Sharon?

Reggee Bonoan |May 09,2024
facebook
share this

KC nakiusap kay Cristy na huwag nang pag-usapan ang isyu nila ni Sharon?

Reggee Bonoan - May 09, 2024 - 03:40 PM

KC nakiusap kay Cristy na huwag nang pag-usapan ang isyu nila ni Sharon

KC Concepcion, Cristy Fermin, Sharon Cuneta

PINATIGIL na kaagad ni KC Concepcion ang tsikang kaya hindi sila okay ng Mama Sharon Cuneta niya ay dahil sa isang mamahaling gamit na nawala niya.

May taong pinakiusapan si KC na maparating kay Nanay Cristy Fermin ang kanyang kahilingan na huwag nang pag-usapan ang isyu.

Kuwento ni ‘nay Cristy sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM kaninang tanghali, May 9.

“Kung natatandaan n’yo po mga Kapatid sa isang episode po ng SNN na ‘Showbiz Now Na’ ay meron po kaming binanggit o tinalakay na isang isyu na ang aming sabi ay ito ang isa sa pinakahidwaan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion,” panimula niya.

Sey niya, “Hindi na po naming uulitin pa ang kuwento dahil alam naming nasaksihan n’yo.  Nakakatuwa sa pamamagitan ng isang kaibigan ay nag-reach out si KC, napakaganda ng kanyang pakiusap.

Baka Bet Mo: Mega tinuruan si KC na ‘wag umasa sa lalaki; girl power sa 5 serye ng Viu

“Sabi ko nga hindi ko na kailangang makausap si KC sa three-way (linya), hindi na rin naming kailangang mag-usap ng personal dahil tayo pag may sugat, marunong tayong gumamot, di ba? Ang kailangan lang po namin ay mga salita na manggagaling mismo sa tao para kami po ay makaunawa at maibigay namin ang kanyang panig.”

kuwento pa ni ‘nay Cristy sa programa, “Ayaw ni KC na pag-usapan pa ‘yun dahil matagal na matagal na panahon ng nangyari at pangalawa ayaw niyang may iba pang taong madamay sa isyu, ‘yun lang, di ba ang ganda-ganda?”

Susog naman ni Romel Chika, “At saka hindi na mag-iisip ang mga tao dahil pag pinatagal pa ito, pinalawak pa.  Dapat ganito lahat ng artista ‘nay ‘no?  Pag may napabalita ay puwede naman tayong i-ring, i-text at ipakiusap na baka puwedeng ‘wag na nating pag-usapan tapos na po ‘yan, naayos na po ‘yan ganu’n.”

Sabi rin ni nanay Cristy, “Baka po puwedeng wala ng kasunod pa? Kasi maayos na po kami? Ayaw ko po na dahil dito ay mayroon na namang magsimula ng anumang hindi pagkakaunawaan.

“Kami po ay nagpapa-abot nagtatawid po kami ng pasasalamat kay KC Concepcion walang mga detalye basta maganda at napaka-marespeto ng kanyang pakiusap na sana’y ‘wag nang masundan pa dahil matagal na panahon ng naganap ito at ayaw niyang may mga madamay pang ibang tao na makapananakit sa bawa’t taong involved dito sa kuwento.”

Magandang hakbang ang ginawang ito ng panganay na anak ni Sharon dahil tinapos niya kaagad ang isyu, e, di hindi na lumaki at wala ng pagtsi-tsismisan pa tungkol sa kanila ng nanay niyang si Sharon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi nga ni Romel Chika, sana ganito rin ang attitude ng ibang artista para hindi lumaki ang isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending