Miles ayaw pag-usapan ang breakup nila ni Elijah: ‘But I’m good, I’m happy’
NAKIUSAP ang aktres na si Miles Ocampo sa members ng entertainment media na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Elijah Canlas.
Humarap sa press people ang TV host-actress kagabi para sa grand mediacon ng pelikulang “Family Of Two (Mother And Son Story)” na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards.
Dito, diretsahan ngang natanong ang dalaga kung kumusta na siya matapos ihayag ni Elijah na totoong naghiwalay na sila matapos ang ilang taong relasyon.
“I’m good. I’m happy na nandito po ako, kasama kayong lahat,” ang matipid na pahayag ni Miles.
Sundot na tanong sa kanya, paano siya sinuportahan at ginabayan ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang nanay sa gitna ng pinagdaraanan niyang pagkabigo sa personal niyang buhay.
Baka Bet Mo: Veteran female celeb ayaw nang pag-usapan ang walang kuwentang aktor; may 2 favorite na aktres
“Alam mo ‘yung mga parents, kahit hindi ka magsabi sa kanila, kahit hindi ka magsalita, at kahit hindi ka mag-share, nararamdaman nila kung ano ang nararamdaman mo.
“I am grateful sa mommy ko, sa parents ko, actually. Kahit wala kayong conversation, mararamdaman mo, bigla na lang magte-text ang mama na, ‘Kamusta ka? Kamusta ka today?'” pahayag pa ni Miles.
Nang tanungin naman siya kung ano ang isa sa mga naging realization niya after ng breakup nila ni Elijah, “I will love myself more this time.”
Sa panayam naman ng ABS-CBN kay Miles pagkatapos ng presscon, tinanong siya kung ano ang masasabi niya ngayong pareho na silang single ng kaibigan niyang si Kathryn Bernardo, mabilis niyang sagot, “It’s a tie!”
View this post on Instagram
Sey ni Elijah sa breakup nila ni Miles, “We went through a rough patch recently, mainly because we were going through our own personal stuff, and it’s been hard. So, yeah, we’re figuring things out.”
Baka Bet Mo: Elijah Canlas pinigilan ang feelings kay Miles Ocampo: ‘Kasi ayoko talagang nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko’
“Yeah, we’re okay, we’re not mad at each other or anything like that. I’m always going to have love for her and I’m always going to support her in whatever she does.
“I’ll always be her number one fan, but right now we’re just taking our time figuring out ourselves and our lives right now,” sey ng premyadong aktor.
Samantala, excited na si Miles sa nalalapit na showing ng “Family Of Two” sa December 25 as part of this year’s MMFF, produced by Cineko Productions na siya ring nasa likod ng award-winning MMFF 2022 entry na “Family Matters.”
Sey ni Miles, isang big achievement na para sa kanya ang makasama sa pelikula na pinagbibidahan nina Sharon at Alden at maidirek ng premyadong filmmaker na si Nuel Naval.
At wish niya ngayong Pasko na sana’y tangkilikin ng sambayanang Filipino ang kanilang MMFF entry pati na ang lahat ng pelikulang kasama sa film festival this year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.