Awra hindi pa rin OK ang relasyon sa ama; Vice may rebelasyon

Awra hindi pa rin OK ang relasyon sa ama; Vice Ganda may rebelasyon

Ervin Santiago |May 09,2024
facebook
share this

Awra hindi pa rin OK ang relasyon sa ama; Vice Ganda may rebelasyon

Ervin Santiago - May 09, 2024 - 07:53 AM

Awra hindi pa rin OK ang relasyon sa ama; Vice Ganda may rebelasyon

Oneal Briguela at Awra Briguela

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin okay ang relasyon ng Kapamilya youngstar na si Awra Briguela sa kanyang pinakamamahal na tatay.

Ito ang diretsahang inamin ni Awra sa madamdamin at punumpuno ng pusong pag-uusap nila sa YouTube vlog ng kanyang nanay-nanayan sa showbiz na si Vice Ganda.

Ni-reveal ng “It’s Showtime” host na lumapit sa kanya ang tatay ni Awra na si Oneal Briguela noong maaresto at makulong ang Kapamilya stars matapos masangkot sa rambulan sa isang bar sa Makati.

Baka Bet Mo: Awra Briguela inaming ‘mentor’ si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path

Sinabihan daw ni G. Oneal ang TV host-comedian na huwag munang piyansahan si Awra para pansamantalang makalabas sa kulungan matapos sampahan ng patung-patong na kaso ng lalaking nakaengkuwentro niya sa bar.

Sabi kasi ni Awra kay Vice, “Noong nakulong ako parang hindi ko pa rin siya ma-realize na nangyayari sa akin iyon. p
Parang ang dami. Hindi ko siya in-expect.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“YOLO (you only live once) kasi ako noon. I always party almost every day. Sumobra rin ako. Tinatakbuhan ko yung mga problem ko. Hindi ko siya hinaharap,” ang pag-amin ni Awra.

At dito na nga sinabi ni Vice sa kanyang anak-anakan ang naging pag-uusap nila ni G. Oneal habang nakakulong pa siya.

“‘Yung tatay niya hindi kunsintidor na tatay. Hindi siya yung lalapit sa akin para sabihin na. ‘Meme, ilabas mo yung anak ko sa kulungan. Meme pakiayos naman po si Awra.’ ‘Yung tatay niya, iba yung atake, eh,” pagbabahagi ng komedyante.

“Ang sabi sa akin ng tatay niya, ‘Meme, ang pakiusap ko huwag mo muna siyang ilabas. Alam kong tutulungan mo siya, pero wag mo muna siyang ilabas. Kasi gusto ko maranasan niya yung hirap doon,’” rebelasyon ni Vice.

Sey pa niya kay Awra, “Tough love yung binibigay sa ’yo ng tatay mo. Gusto niyang maranasan mo yung epekto noon sa iyo. Na iyong part na iyon ng life mo, hindi mo pwedeng takasan agad.

Baka Bet Mo: Awra Briguela may pasaring sa Twitter: Bagong Pilipinas, bagong mukha tapos Marcos, Duterte pa rin?

“You have to deal with it and face it, realize things and learn from it,” sey pa ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


At dito na nga niya nabanggit na hindi pa totally maayos ang relationship niya sa kanyang ama.

“After what happened, hindi na rin kami agad naging okay ni Papa. Even now, hindi pa rin kami totally okay ni Papa pero, like we are getting better naman. Siguro…

“Feeling ko rin kasi talaga it will take us a lot of time pa bago kami maging okay sa isa’t isa kasi nga siguro may mga times na wala akong courage na lumapit o mag-open up sa kanya.

“Kasi hindi niya rin naman ako binibigyan ng sign or kaya hindi ko nararamdaman yung tapang ko,” pag-amin pa ni Awra.

Nitong Martes ng gabi, nag-post ng mahabang open letter si Awra sa Instagram kung saan humingi siya ng tawad sa pamilya, sa mga taong nasangkot sa rambulan noon at sa lahat ng na-disappoint sa kanya dahil sa mga nangyari.

“Gusto ko simulan sa pag hingi ng tawad sa pamilya ko lalong lalo na sa magulang ko. Patawad kung mas pinili kong takbuhan at talikuran ang problema.

“Patawad kung wala akong tapang harapin ang mga issues naten sa isa’t isa. Patawad kung mas pinili kong tumakbo at mag pakasaya nang panandalian imbis na ayusin natin ang problema.

“Patawad kung nag bago ako at nag iba ang ugali ko. Alam kong hindi magiging madali pero pipilitin kong mag bago at susubukan kong ayusin ang mga desisyon ko sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay naway sana wag kayong mapagod na bigyan ako ng pag kakataon mag bago at bumawi sa lahat ng pag kakamali ko at ang pagkakataon na ‘to ay hinding hindi ko na sasayangin,” mensahe pa ni Awra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending