Claudine na-rehab hindi dahil sa droga; Barretto sisters movie?

Claudine na-rehab hindi dahil sa droga; Barretto sisters sa isang movie?

Ervin Santiago |May 09,2024
facebook
share this

Claudine na-rehab hindi dahil sa droga; Barretto sisters sa isang movie?

Ervin Santiago - May 09, 2024 - 08:30 AM

Claudine na-rehab hindi dahil sa droga; Barretto sisters sa isang movie?

Claudine Barretto, Elaine Crisostomo at Aida Patana

NILINAW ng aktres na si Claudine Barretto ang ginawa niyang pag-amin kay Ogie Diaz tungkol sa kanyang pagpapa-rehab.

Inamin kasi ni Claudine na dalawang beses siyang pumasok sa rehab center na matatagpuan sa Thailand. At ang huli nga ay noong 2019.

Pero paglilinaw ni Claudine hindi raw dahil sa paggamit ng ilegal na droga ang pagpapa-rehab niya kundi para sa kanyang post-traumatic stress disorder (PTSD).

Nakausap ng BANDERA si Claudine sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Sinag” at dito nga namin naitanong sa kanya ang tungkol sa twice niyang pagpasok sa rehab center.

Baka Bet Mo: Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

“It wasn’t because of drugs. It’s because of post-traumatic stress disorder. Sa atin kasi, kapag sinabing rehab, drugs agad ang maiisip, e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero hindi ganu’n yung pinasukan ko. And it’s nice kasi ang alam ko meron na rin tayong ganu’ng facility dito sa Pilipinas. I think somewhere in Palawan,” sabi ni Clau.

Advice raw sa kanya ng isang psychiatrist ang magpa-rehab sa Thailand kung saan everyday daw ay may massage, may facial na once a week, may workout ka everyday ay meron din daw doon na villa na may swimming pool.

Pero kumusta na nga ba siya ngayon after ng mga pinagdaanan niyang pagsubok nitong mga nagdaang taon, kabilang na ang kanyang mental health?

Baka Bet Mo: Claudine Barretto ‘greatest love’ si Rico Yan, wish matuloy ang project kasama si Gladys Reyes

“I’m okay. Yung PTSD kasi, that’s a trauma na nandiyan na talaga for life na kailangan talagang i-address. I’m glad that I have doctors, I have my therapists,” aniya pa.

Meron din daw siyang tine-take na maintenance medicines para sa kanyang mental health, “I do. I do have anti-depressants until now.”

Samantala, kitang-kita naman ang sobrang excitement ni Claudine sa bago niyang movie project, ang “Sinag” na ididirek ni Elaine Crisostomo.

Ibinalita ni Clau na tutulong daw si Santino kay Elaine sa pagdidirek ng pelikula na ipo-produce nina Aida Patana at Bea Glorioso.

“It’s a fantasy film. Tungkol ito sa diwata. Pero yung pagkadiwata ng movie is very classical. Talagang super research kami sa project na ito.

“May mga bidang artista pa ang inaayos namin. Hopefully maayos na namin. Hopefully Claudine, Gretchen and Marjorie (Barretto sisters). For sure blockbuster yun!” sabi ni Direk Elaine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Noong nabasa ko ang synopsis, masasabi ko na ibang-iba ito. Isang karangalan na mai-direct si Claudine. Alam kong magiging blockbuster rin ito,” sey pa ng direktor.

Samantala, all-out ang support ni Claudine sa producer ng movie na si Aida Patana, na itinuturing na niyang parang tunay na kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Matagal na ang pinagsamahan namin ni Aida. At my lowest point, she was there. She believed in me. That time halos lahat ng tao tumalikod na sa akin but Ms Aida was there for me,” sabi ni Claudine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending