Toni Fowler, Vince Flores hiwalay na nga ba?

Toni Fowler, Vince Flores hiwalay na nga ba?

Therese Arceo |May 08,2024
facebook
share this

Toni Fowler, Vince Flores hiwalay na nga ba?

Therese Arceo - May 08, 2024 - 04:12 PM

TRULILI nga kaya ang chika na hiwalay na ang social media couple na sina Toni Fowler at Vince Flores?

Ito ang naging hinuha ng madlang pipol dahil sa naging cryptic post ng vlogger na naka-share rin sa kanyang Instagram stories.

Tila ipinapahiwatig kasi ni Toni na break na sila ng boyfriend at ama ng kanyang kasalukuyang ipinagbubuntis.

“Kinaya ko nung una. Na-practice ko na. So kayang kaya ko sa pangalawa. Back to #Singlemom,” sey ng content creator.

Baka Bet Mo: Toni Fowler may pasaring kay Papi Galang: Panindigan mo yan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod pa rito, mayroon ring Facebook post si Toni kung saan sinasabi niya na mas madali ang ma-fall sa isang tao kesa ang manatiling nagmamahal.

“It’s easier to fall inlove than to stay in love BLOCKED,” sey pa niya.

Sa nakalipas rin niyang Facebook live kung saan namimigay siya ng pera sa kanyang mga followers at sinabi nitong “break” sila ni Tito Vince.

Ang dahilan? “Napupuno” rin daw si Toni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sinabi naman ng vlogger sa kanyang mga followers na huwag mawawalan ng pag-asa sa buhay, laging maging masaya at dapat magdasal.

Maikli lang naman ang naging post ni Tito Vince sa kanyang social media account.

“Que sera sera,” sabi nito ngunit hindi naman niya tinukoy kung tungkol ba sa kanilang relasyon ang post na iyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending