Vhong Navarro umamin: Minsan sabaw ako, mga hirit ko sablay

Vhong umamin sa madlang pipol: Minsan sabaw ako, mga hirit ko sablay

Ervin Santiago |May 08,2024
facebook
share this

Vhong umamin sa madlang pipol: Minsan sabaw ako, mga hirit ko sablay

Ervin Santiago - May 08, 2024 - 07:59 AM

Vhong umamin sa madlang pipol: Minsan sabaw ako, mga hirit ko sablay

Vhong Navarro kasama sina Amy Perez, Kim Chiu, Karylle at Jackie Gonzaga

AMINADO ang TV host-comedian na si Vhong Navarro na may mga pagkakataong sumasablay din siya sa pagbibitiw ng jokes at punchlines sa “It’s Showtime.”

Kaya naman humihingi siya ng pasensiya at pang-unawa sa madlang pipol kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng taong nagmamahal at hindi nang-iwan sa kanya sa gitna ng mga pagsubok.

Ayon kay Vhong, nang dahil sa dami ng challenges na hinarap at pinagdaanan niya ay may mga araw na sumasablay siya sa mga binibitiwang hirit sa kanilang noontime show.

Baka Bet Mo: Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Knows daw niya na ang ilan dito ay nagba-viral pa sa social media. Okay lang daw sa kanya ito dahil yun naman daw ang totoo at wala na siyang kontrol dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Abot-langit ang pasasalamat ng komedyante sa Diyos, sa pamilya, mga kaibigan, mga bossing ng ABS-CBN, at ng kanyang legal team na talagang tumutok sa mga kasong isinampa niya laban sa grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Nitong nagdaang May 2 kasi ay hinatulang guilty sina Cedric, Deniece at dalawang iba pa sa kasong “serious illegal detention for ransom” kaugnay ng kinasangkutan nilang insidente sa isang condominium unit noong 2014.

“Maraming salamat kasi hinahabaan n’yo ang pasensya n’yo kasi minsan lutang ako, roller coaster ang pinagdaanan ko, hirap explain,” simulang pagbabahagi ni Vhong sa “It’s Showtime.”

Baka Bet Mo: Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’

“Minsan sabaw ako rito eh, pero nandiyan kayo, kahit ‘yung mga bitaw ko, mga hirit ko is sablay, papuntang Norte, papuntang South.

“Hindi ko alam, pero nandiyan kayo to support me, dahil alam kong mahal na mahal n’yo ako,” sabi ng Kapamilya comedian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Halos maluha-luha naman si Vhong nang magbigay ng mensahe sa kanyang misis na si Tanya Bautista-Navarro.

“Of course, kay Tanya. Naku, marami akong pagkukulang sa ‘yo. Hindi mo ko iniwan. Marami akong kasalanan pero nandiyan ka pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hayaan mong bumawi ako sa ‘yo, sa abot ng aking makakaya, hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Salamat,” ang sabi pa ni Vhong kay Tanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending