Yen Santos hiwalay na nga ba kay Paolo Contis?

Yen Santos hiwalay na nga ba kay Paolo Contis?

Therese Arceo |May 07,2024
facebook
share this

Yen Santos hiwalay na nga ba kay Paolo Contis?

Therese Arceo - May 07, 2024 - 10:55 PM

Yen Santos hiwalay na nga ba kay Paolo Contis?

TRULILI nga ba ang chika na diumano’y hiwalay na ang celebrity couple na sina Yen Santos at Paolo Contis?

Ito ay matapos mapansin ng mga matanglawin na netizens ang na nawala na sa kanyang Instagram account ang birthday post niya noon para sa aktor.

Agad ngang naging laman ng usap-usapan sa social media ang diumano’y pagbubura ni Yen ng kanyang post kung saan makikitang hinihipan ni Paolo ang kandila ng kanyang birthday cake, larawan nulang magkasama pati na rin ang throwback photo ng aktor noong bata.

Hindi naman sigurado kung tuluyan na nga bang binura ng aktres o baka naka-archive pansamantala ang kanyang post.

Baka Bet Mo: Paolo Contis dyowa pa rin si Yen Santos, walang something kay Arra San Agustin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit sa kabila ng umano’y pag-alis ni Yen sa “bakas” ni Paolo sa kanyang account, nananatili namang naka-follow ang Kapuso star sa kanya.

Matatandaang noong late 2023 nang biglang magkaroon ng chika na umano’y hiwalay na silang dalawa matapos maugnay ang Kapuso actor-comedian sa kanyang co-host na si Arra San Agustin.

Marami ang nag-tagay naghanap kay Yen sa mga viral videos na nag-trending sa TikTok.

Ngunit nilinaw ni Paolo noong November 2023 na nananatili silang magkarelasyon ng kanyang keading lady sa “A Faraway Land”.

“Yes, kami pa ni Yen,” paniniyak noon ni Paolo.

Nilinaw rin niya ang mga lumalabas na viral TikTok videos nila ni Arra noon ay “maliciously edited”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending