Xian laging kasama ang dyowang si Iris, partner rin sa trabaho

Xian Lim laging kasama ang dyowang si Iris Lee, partner rin sa trabaho

Reggee Bonoan |May 06,2024
facebook
share this

Xian Lim laging kasama ang dyowang si Iris Lee, partner rin sa trabaho

Reggee Bonoan - May 06, 2024 - 03:52 PM

Xian Lim laging kasama ang dyowang si Iris Lee, partner rin sa trabaho

COOL na direktor si Xian Lim base sa nakita naming mga larawan na ipinost niya sa kanyang Instagram account nitong Linggo, Mayo 5.

Kasama niya sa naturang litrato ang inaming dine-date na si Iris Lee, producer ng Viva Films.

Kasalukuyang nasa Thailand sina Xian at Iris para sa shooting ng horror film na may working title na “Golden Child Kuman Thong”, base rin sa caption ng aktor at direktor sa kanyang IG post.

Base sa Google, ang ibig sabihin ng salitang Kuman Thong ay “a household divinity of Thai folk religion. It is believed to bring luck and fortune to the owner if properly revered. Kuman, or Kumara (Pali) means ‘Sanctified young boy’ (female kumari); thong means golden.”

Si Cindy Miranda ang bida sa horror film na ito at wala pang ibang detalyeng ipinost si Xian kung sino pa ang mga kasama ng sexy star ng Vivamax.

Baka Bet Mo: Kim Chiu deadma sa pasabog ni Xian Lim: ‘Hindi masakit’

Anyway, kaya namin nasabing cool na direktor ni Xian ay dahil kahit na super init din ngayon sa Thailand na umabot sa 37 degrees ay naka-leather shoes, loose pants, linen polo at printed cotton polo siya with ten-gallon hats o cowboy hat.

Para sa amin ay kagalang-galang tingnan si Xian bilang direktor o baka naman sinadya niya ito dahil kasama niya ang kanyang new girlfriend?

Binalikan namin ang ibang larawan ni Xian noong nag-shoot din siya ng past movies niya rito sa Pilipinas at halos ganu’n din ang attire niya – naka-shirt, pants and sneaker naman with baseball cap.

So far hindi namin siya nakitang naka-shorts, sando, men’s sandals at may nakalagay na puting pamunas sa leeg dahil hawak-hawak niya ito.

Samantala, base sa obserbasyon namin ay baka gusto ni Xian na lagi niyang kasama ang girlfriend at nakakatulong niya sa trabaho bilang isang direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Kim Chiu kasi ay may sarili ring karera, super sikat at kaliwa’t kanan ang trabaho kaya super busy at siyempre nakaka-insecure rin kapag ganito ang dyowa mo.

Well, tapos na ang kabanata ng relasyong KimXi kaya move on na rin sana lahat ng supporters nila since may sari-sarili na rin silang buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending