Xian Lim ka-live in na si Iris Lee kahit dyowa pa si Kim, true kaya?

Xian Lim ka-live in na si Iris kahit dyowa pa si Kim, true kaya?

Therese Arceo |March 29,2024
facebook
share this

Xian Lim ka-live in na si Iris kahit dyowa pa si Kim, true kaya?

Therese Arceo - March 29, 2024 - 04:54 PM

Xian Lim ka-live in na si Iris kahit dyowa pa si Kim, true kaya?

TRULALU nga kaya ang chika ng social media personality na si Xian Gaza tungkol sa kanyang katukayo na si Xian Lim?

Sa kanyang Facebook post nitong Martes, March 26, isang pasabog ang ibinunyag ng self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” tungkol sa dating dyowa ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Chika ni Xian, matagal na raw magkasama sa iisang bahay ang Kapuso actor at ang producer na si Iris Lee.

Dagdag pa niya, nangyayari raw ito kahit in a relationship pa siya sa “It’s Showtime” host.

“Nag-live in na sila ni Iris Lee habang jowa pa niya si Kim Chiu kompirmd,” sey ni Xian Gaza.

“AN’LALA HINDI AKO NAKAKAPIT” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Xian Lim naniniwalang nawawala rin ang pag-ibig: Love is very painful

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Biro pa ni Xian sa katukayo, “OKAY FINE HINDI DAW LIVE IN. SLEEP OVER LANG EVERYDAY.”

May mga nag-comment naman sa kanyang post.

“Mga Xian tlga oh..Tsk tsk tsk,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ansaket naman non marsi wala bang pa [Facebook] live dyan?”

“Mangilin ka naman sa tsismis. Baka magalit si papa Jesus,” biro naman ng isang netizen.

Napag-usapan naman nina Ogie Diaz sa kanilang “Showbiz Update” ang nasagap nilang chika kung kailan nga ba nagkakilala sina Xian at Iris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala pa namang tugon ang Kapuso actor maging ang film producer hinggil sa spluk ng social media personality.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ni Xian Lim tungkol sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending