Xian hinamong sagutin ang tanong: 'Sino si Iris Lee sa buhay mo!?'

Xian hinamong sagutin ang tanong ng fans: ‘Sino si Iris Lee sa buhay mo!?’

Ervin Santiago - December 04, 2023 - 07:04 AM

Xian hinamong sagutin ang tanong ng fans: 'Sino si Iris Lee sa buhay mo!?'

Kim Chiu at Xian Lim

IPINAGDARASAL ng mga fans nina Kim Chiu at Xian Lim na sana’y maayos pa ang kanilang mga problema bilang magkarelasyon.

Ang hiling lamang ngayon ng KimXi supporters ay hindi tuluyang mauwi sa hiwalayan ang mahigit isang dekada nilang pagmamahalan.

Matagal nang nababalitang nag-break na raw sina Kim at Xian pero hanggang ngayon ay wala pang diretsahang pag-amin at pagdedenay ang celebrity couple about the real status of their relationship.

Kamakailan ay nakiusap lamang si Kim na ibalato na lamang sa kanila ni Xian kung anuman ang real score sa kanilang relasyon.

“Grabe, sa amin na lang ‘yun, we’ll just keep it to ourselves na muna,” ang pahayag ng Kapamilya star sa isang panayam.

Baka Bet Mo: Lovi Poe positibo ang pagtanggap sa pagpanaw ni Susan Roces: She’s an amazing woman, queen-like talaga!

Samantala, isa sa mga isyung naging topic sa “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube channel ang tungkol sa umano’y breakup nina Kim at Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mas naintriga pa ang relasyon ng magdyowa nang tanungin ni Ogie Diaz si Xian kung sino ang babaeng ikinokonek ngayon sa kanya.

Baska Bet Mo: Lovi Poe ‘sinasaniban’ ni FPJ kapag sumasabak sa maaaksyong eksena; ‘Flower of Evil’ hahataw na sa free TV

“At siyempre pasagot na rin natin kay Xian Lim kung sino si Iris Lee,” ang pahayag ni Ogie.

“Iyang si Iris Lee daw ay non-showbiz ito na parang ewan ko, staff ng Viva o writer ng Viva na nali-link kay Xian Lim.

“Sino ba ‘yon? Hindi rin namin kilala kasi naano lang namin sa Reddit eh. Pinag-uusapan sa Reddit ‘yan,” dugtong pang tanong ni Papa O.

“Tapos meron pa isang nali-link dito kay Xian Lim,” sabi uli ng talent manager at content creator.

“Sino, babae ulit?” ang hirit naman ni Jegs.

“Alam mo ang pangit ng tanong mo,” natatawang sagot sa kanya ni Ogie. “Ewan ko sa ‘yo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Xian tungkol sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending