Eric si Kris ang unang GF sa showbiz, naging dyowa rin si Dina

Eric umaming si Kris ang unang GF sa showbiz, naging dyowa rin si Dina

Ervin Santiago |May 05,2024
facebook
share this

Eric umaming si Kris ang unang GF sa showbiz, naging dyowa rin si Dina

Ervin Santiago - May 05, 2024 - 12:09 PM

Eric umaming si Kris ang unang GF sa showbiz, naging dyowa rin si Dina

IBINANDERA ng actor-director na si Eric Quizon na ang first girlfriend niya ay walang iba kundi ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Rebelasyon ni Eric, bukod daw sa award-winning veteran actress na si Dina Bonnevie, naging dyowa rin niya noon si Kris.

Sa panayam kay Eric ng “TicTalk with Aster Amoyo”, ang YouTube channel ng veteran entertainment columnist at TV host, inilarawan niya si Dina bilang girlfriend.

“Ang sarap kausap. Sobrang sarap kausap. Never a dull moment. A very nice person,” sey ng anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Kasunod nito, nabanggit nga ni Eric na hindi si Ms. D ang first showbiz girlfriend niya, “No, it’s not Dina. It was K.” Ang tinutukoy nga niya ay si Kris Aquino.

Baka Bet Mo: Dina Bonnevie pinaluluhod ng tatay sa munggo para parusahan, pinahabol pa sa aso ang dating boyfriend

“We were very young then. She was 16. I was 20. Kris, get well soon. Hi, Dina,” ang pagbati ni Eric sa dalawang babaeng naging bahagi ng kanyang past.

Nagkasama sina Eric at Kris sa 1991 hit movie na “The Vizconde Massacre Story (God Help Us!)” at “So Happy Together” na ipinalabas noong 2004.

Aniya pa, hanggang ngayon ay maayos  pa rin ang relasyon niya sa kanyang mga ex, “I’m good friends with them.”

Samantala, inilarawan naman ni Eric ang kanyang yumaong ama na si Comedy King Dolphy bilang super generous na tao at palaging inaalala ang kapakanan ng ibang tao.

“Mahilig siyang sumulat ng mga little notes. I love you, I miss you. Mga ganun. Palaging merong mga little notes sa amin,” ani Eric.

Dagdag pa ng aktor, palagi ring nandiyan si Mang Dolphy para sa kanyang mga anak, “Always present siya sa mga ganun. Wherever you are, he will find a way to greet you.

“Noong mga 90s wala pa namang mga cellphone. So mahahanap ka niya. Gagawa talaga siya ng paraan para mahanap ka niya to greet you. Meron siyang ganu’n,” aniya pa.

Sa tanong naman kung ano pa ang mga gusto niyang makamit sa buhay, “May mga bagay na gusto ko pa ring mangyari. That’s why I’m not stopping up to now. Marami na akong na-achieve pero marami pa rin akong gustong gawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko pa ring ma-achieve ‘yung you don’t have to worry about food on the table. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na anything is achievable. Lahat pwedeng makuha kung magpu pursige ka.

“Ayoko naman na yung family ko na umaasa lang sa mana. Ayoko ng ganun. Gusto kong magtrabaho rin sila. Yun lagi ang sinasabi ko sa mga pamangkin ko na you have to work and study. Ini-impart ko pa rin yun sa lahat ng pamangkin ko,” ani Eric.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending