Kim Chiu deadma sa pasabog ni Xian Lim: 'Hindi masakit'

Kim Chiu deadma sa pasabog ni Xian Lim: ‘Hindi masakit’

Therese Arceo |May 03,2024
facebook
share this

Kim Chiu deadma sa pasabog ni Xian Lim: ‘Hindi masakit’

Therese Arceo - May 03, 2024 - 11:18 PM

Kim Chiu deadma sa pasabog ni Xian Lim: 'Hindi masakit'

MARAMI ang nag-abang kung ano ang magiging reaksyon ng TV host-actress na si Kim Chiu matapos ang naging rebelasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Xian Lim.

Matatandaang nitong Huwebes, May 2, tuluyan nang inamin ng Kapuso actor-director na may namamagitan sa kanila ng film producer na si Iris Lee nang ma-interview ito ng Esquire Philippines.

At nitong Biyernes, May 3, naging sentro ng asaran at kulitan ng “It’s Showtime” hosts si Kim.

Sa opening spiels ng naturang programa ay winelcome nila ang “TNT Kids Season 2” winner na si Kim Hewitt na nag-perform mula sa entablado ng “It’s Showtime”.

Baka Bet Mo: Kim Chiu ginulat ang fans, pak na pak sa kanyang ‘short hair’ era

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“We love all the Kims and we love you Kimmy,” sabi ni Anne sabay yakap kay Kim.

Singit naman ni Vhong, “Gusto mo bang magsampol, Kim?”

Sinakyan naman ito ni Anne at tinanong kung anong kanta ang gusto nitong i-perform.

Ngunit ‘di nagpatalo sa entry si Jhong at tinanong si Kim ng “Gusto mo interbiyuhin ka na lang namin?”

“Hindi. Huwag ganun, hindi masakit,” sagot ng tinaguriang chinita princess.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman na pinilit pa ng mga ito na ungkatin kung kumusta na si Kim on air matapos ang rebelasyon ni Xian.

Base naman sa mga updates niya sa kanyang Instagram ay abala ito sa pagre-rehearse para sa kanyang performance sa “ASAP Natin ‘To” this coming Sunday.

Bukod pa rito, naki-celebrate si Kim sa birthday ng kanyang malapit na kaibigang si Bela Padilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending