Kim Chiu ginulat ang fans, pak na pak sa kanyang ‘short hair’ era

Kim Chiu ginulat ang fans, pak na pak sa kanyang ‘short hair’ era

Pauline del Rosario |April 20,2024
facebook
share this

Kim Chiu ginulat ang fans, pak na pak sa kanyang ‘short hair’ era

Pauline del Rosario - April 20, 2024 - 09:41 AM

Kim Chiu ginulat ang fans, pak na pak sa kanyang ‘short hair’ era

PHOTO: Screengrab from Instagram/@chinitaprincess

PASABOG ang pagdiriwang ng 34th birthday ng TV host-actress na si Kim Chiu!

Sinorpresa niya kasi ang kanyang fans sa pamamagitan ng bago niyang hairstyle.

Sa Instagram, ibinandera ni Kim ang isang video na ipinapakita ang kanyang bagong buhok na isa nang “pixie cut.”

Caption niya sa post, “A year older. Braver. Stronger. Smarter. Wiser. [sparkle, birthday cake, folded hands emojis]”

Baka Bet Mo: Kim Chiu sa pagbibigay 2nd chance sa nang-iwan sa kanya: Hindi na

Menshae pa niya, “Thank you for remembering my special day, and thank you for all the lovely, heartwarming greetings you sent me here on social media and thru personal messages.” 

“It made my heart smile a little extra today,” ani pa ng TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Tila ito ang first time na nagpa-short hair talaga nang todo si Kim dahil ever since ay nakikita natin siya na may long and wavy hair.

Ito na kaya ang sign na nakapag-move on na siya mula sa pinagdaanang heartbreak?

Eh kasi ‘diba, may mga kasabihan ang mga Pinoy na once nagpa-short hair ang isang babae na nasaktan sa pag-ibig ay ibig sabihin ‘nun, naka-move on na siya.

Ang piniling background music pa nga ni Kim sa kanyang post ay ang kantang “Ice Cream Man” by Raye na tungkol sa “brave, strong woman.”

Anyway, bagay na bagay kay Kim ang kanyang bagong look at lalo siyang nagmukhang “fierce” at palaban!

Kahit ang netizens, na-shookt sa pasabog ni Kim at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Grabe pasabog Kimmy [fire emoji] Happiest Birthday sa pinakamamahal naming Chinita, Strong woman indeed! [green heart emoji]”

“Oh sino ka dyan!! Grabe siyaaaa! Always pasabog! Happy Birthday Kim Chiu! [fire, heart emojis]”

“Ganda [red heart emojis] Kimmy!!! Go lang kung san happy ang puso HAPPY BDAY [birthday cake emojis] love u since pbb days”

“Bet ko ang short hair kimmy astig super ganda [red heart, smiling face with heart eyes emojis]”

Kung maaalala, ilang araw bago mag-Pasko last year, kinumpirma na mismo ni Kim sa isang official statement na naghiwalay na sila ng dating boyfriend na si Xian Lim makalipas ang mahigit isang dekada na mag-dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos naman ang ilang minuto ay nag-post din si Xian sa kanyang IG account at lubos niyang pinasalamatan ang aktres dahil sa ibinigay nitong “unconditional love.” 

Hiniling nga rin niya na mahanap na ni Kim ang happiness at pag-ibig na ninanais nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending