Daniel sa viral na pagmumura sa party: ‘OA ng mga tao! Relax!’

Daniel sa viral na pagmumura sa birthday party: ‘OA ng mga tao! Relax!’

Pauline del Rosario |May 02,2024
facebook
share this

Daniel sa viral na pagmumura sa birthday party: ‘OA ng mga tao! Relax!’

Pauline del Rosario - May 02, 2024 - 09:30 AM

Daniel sa viral na pagmumura sa birthday party: ‘OA ng mga tao! Relax!’

PHOTO: Instagram/@supremo_dp

SINAGOT na ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang mga naging reaksyon ng netizens kaugnay sa viral video habang siya’y kumakanta sa kanyang birthday celebration sa Batangas.

Ayon kay Daniel, overacting o OA lang ang marami dahil ang totoo niyan ay nag-eenjoy lang siya.

“Masyadong OA ng mga tao,” sey niya sa isang ambush interview na ibinandera ng entertainment journalist na si MJ Marfori Sa TikTok.

Paliwanag ng aktor, “Nag-eenjoy lang ako kumanta.”

Bago umalis, ito ang simpleng mensahe niya, “Relax!”

Baka Bet Mo: Alden, Kathryn level-up na ang relasyon; netizens awang-awa kay Daniel

Kamakailan lang nang maging usap-usap sa social media ang TikTok video na ipinost ng username na Jaix_16 ang naging performance ni DJ habang kinakanta ang kanyang favorite song na “Hinahanap-Hanap Kita” ng Rivermaya.

Base sa napanood naming video, biglang isinigaw at malutong na nagmura si Daniel nang kinanta ang lyrics na: “P*tang i*a may kapiling ka ng iba!”

@jaix_16 At ngayon putangina may kapiling ka ng iba” || i fell your pain deej🥺😭 #danielpadilla #foryou #fyp #fypp #foryoupage #xzycba #trending #viral ♬ original sound – Jaix<3

Sa comment section ng video, marami ang nagbigay ng kahulugan nito ay sinasabi nila na siguradong may konek pa rin ang pagmumura ni DJ sa breakup nila ni Kathryn, pati na rin sa mga chikang nagkakamabutihan na raw ang dati niyang girlfriend at ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Kung maaalala, ibinalita ni Ogie Diaz na ayon sa kanyang source ay nanliligaw na si Alden kay Kath. 

Sinabi rin ng showbiz insider na bet na bet daw ng pamilya ng aktres si Alden.

“Gustong-gusto raw ng pamilya ni Kathryn si Alden kasi daw –siyempre lalo na kay Mommy Min, si Alden ay isang negosyante, si Alden ay financially stable, responsable…kaya raw natutuwa at naaaliw kay Alden ‘yung pamilya ni Kathryn,” chika ng talent manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Patuloy niya, “Dahil daw ‘yung mga gusto nila para sa isang lalaki para kay Kathryn ay pino-possess ni Alden.”

 Maliban kay Alden, nabanggit din ni Ogie si Jericho na isa rin sa mga manliligaw ni Kath, ngunit inamin ng batikang aktor sa isang interview na hindi siya naghahanap ng bagong pag-ibig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending