Late Bloomer, Dirty Ice Cream lalong magpapainit ng summer

Late Bloomer, Dirty Ice Cream ng Vivamax lalong magpapainit ng summer

Ervin Santiago |May 02,2024
facebook
share this

Late Bloomer, Dirty Ice Cream ng Vivamax lalong magpapainit ng summer

Ervin Santiago - May 02, 2024 - 01:20 AM

Late Bloomer, Dirty Ice Cream ng Vivamax lalong magpapainit ng summer

Robb Guinto at ang cast members ng Late Bloomer at Dirty ice Cream

“HINDI na mapipigilan ang Vivamax na mas painitin pa ang summer sa dalawa nitong nag-aapoy na pelikula – ang “Late Bloomer” at “Dirty Ice Cream.”

Matinding emosyon ang magbubunga sa dalawang babaeng nasa pagitan ng pagkakaibigan at pag-ibig sa “Late Bloomer” na streaming na ngayon sa Vivamax.

Ang “Late Bloomer” ay tungkol kay Therese dela Cruz (Robb Guinto), isang maganda at mabait na production staff na nagtatrabaho sa Shoot Me Creative Studio.

Isang araw, magbabago ang kanyang buhay dahil mada-diagnose siya ng Myelodysplastic Syndrome (MDS), isang uri ng terminal cancer.

Baka Bet Mo: Jennica fresh at blooming sa taping kahit hiwalay na kay Alwyn; Bianca kinabahan kay Dennis

Determinado si Therese na lubusin ang bawat sandali ng kanyang natitirang panahon, kaya nanaisin niyang makipag-date at makipagtalik sa ibang tao. Dahil dito, hihingi siya ng tulong sa kanyang best friend na si Maddie Reyes (Erika Balagtas).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Sa gitna ng sexual flings ni Therese, mapagtatanto niya na gusto niya ng mas malalim na relasyon.

Sasabihin ito ni Therese kay Maddie, na magiging daan para mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Mauuwi ito sa isang halik.

Pero sa gitna ng posibilidad na i-explore ang isang romantic relationship, magpo-propose ng kasal ang boyfriend ni Maddie na si Arthur (Ardy Raymundo). Tatanggapin ito ni Maddie kahit na masaya siya kapag kasama niya si Therese.

Isang lumipas na sandali nga lang ba ang halik nina Therese at Maddie, o mahahanap kaya nila ang lakas ng loob na harapin ang nararamdaman nila para sa isa’t isa?

Ang “Late Bloomer” ay mula sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna Jr., na nagsilbi ring writer at direktor ng ibang Vivamax original movies na “Punit na Langit” at “Katas.”

Samantala, dalawang hot sorbeteros naman ang magpapabilis sa tibok ng mga puso sa isang mainit at magulong summer sa “Dirty Ice Cream”, isang sexy heist movie mula sa direksyon ni Mervyn Brondial. Streaming na simula May 10, 2024.

Baka Bet Mo: Sakit ni Ogie pinagaling daw ng magic cream: ‘Wag po kayong magpaloko!

Ginagampanan nina Ghion Espinosa at Seonwoo Kim ang papel ng mga sexy sorbeteros na sina Junebert at Monch, na magiging “objects of desire” ng mga kasambahay at maybahay sa isang tahimik na subdivision sa Manila.

Nagke-crave ang mga kakabaihan doon na matikman ang kanilang ice cream… at higit pa.

Sa pinakamainit na araw ng summer, magkakaroon ng blackout sa subdivision.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Darating sina Junebert at Monch dala ang kanilang sorbetes. Kukunin ng mga kababaihan ang pagkakataong ito upang magsalitan na gamitin sina Junebert at Monch para sa kanilang mga lihim na pantasya. Pagbibigyan sila ng dalawa.

Hindi alam ng mga babae na isang kakaibang “treat” ang naghihintay sa kanila. At sa pagkakataong ito, hindi ito tulad ng kanilang inaasahan.

Habang wala ang kuryente at ang mga asawa nila, nanakawin nina Junebert at Monch hindi lang ang kanilang mga puso… pero pati na rin ang kanilang mga ari-arian.

Paiinitin nina Christy Imperial, Yda Manzano, Jem Milton, Candy Veloso ang summer sa pagganap nila bilang mga kababaihan ng subdivision.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang ultimate guilty pleasure na ito. Mag-subscribe na sa Vivamax para sa isang malaking serving ng “Dirty Ice Cream.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending