Jennica fresh at blooming sa taping kahit hiwalay na kay Alwyn; Bianca kinabahan kay Dennis Bandera

Jennica fresh at blooming sa taping kahit hiwalay na kay Alwyn; Bianca kinabahan kay Dennis

Ervin Santiago |June 08,2021
share this

Jennica fresh at blooming sa taping kahit hiwalay na kay Alwyn; Bianca kinabahan kay Dennis

Ervin Santiago June 08,2021 - 09:13 AM

ANG upcoming family drama series na “Legal Wives” ang unang teleseryeng pagsasamahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at versatile actress Bianca Umali.

Naikuwento ni Bianca na isang karangalan ang mapabilang sa makabuluhang serye ng GMA at lubos siyang nag-e-enjoy na makatrabaho ang mahusay na aktor.

“It was exciting but at the same time medyo kinakabahan ako kasi napakagaling umarte ng isang Dennis Trillo. 

“To have the opportunity to be in a scene and act with him beside you, not everyone has experienced that,” sey ni Bianca.

“So ayun na, noong nasa eksena na kami, grabe! Sobrang natuwa ako kasi I was really looking forward to it. I really enjoy kapag na-e-experience ko ‘yung trabaho ng magagaling na actor,” chika pa ng dalaga.

Gagampanan ni Bianca ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael na siyang role naman ni Dennis. 

Ang “Legal Wives” ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na may tatlong babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan.

* * *

Marami ang nakapansin na blooming at fresh ang aura ngayon ni Jennica Garcia mula sa kanyang pasilip na “morning look” sa lock-in taping ng isa pang bagong drama series ng GMA, ang “Las Hermanas.”

“This is how my morning looks like ever since my lock-in taping in Pampanga started for GMA’s Las Hermanas,” ang caption ng aktres sa kanyang Instagram photo.

Kabi-kabila naman ang suportang natatanggap ni Jennica sa kanyang pagbabalik-showbiz makalipas ang ilang taon. Komento ng isang netizen sa kanyang post, “Wow. Balik ulit sa pag-arte keep on fighting and stay safe po.”
Comment naman ng isa pa niyang fan, “Bilib kami sa yo Jennica dahil talagang bumalik ka sa pagtatrabaho kahit na may pinagdaraanan ka sa personal life mo. Wish pa rin namin na magkabalikan kayo ni Alwyn (Uytingco) at mabuo uli family nyo.”

Gagampanan ni Jennica ang karakter ni Brenda, ang magiging karibal ni Dorothy na bibigyang-buhay naman ni Yasmien Kurdi.

Bukod kay Yasmien, bibida rin sa “Las Hermanas” ang nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez pati na rin sina Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending