Angeli Khang 1 week 'di lumabas nang madamay sa BeaDom breakup

Angeli Khang 1 week nagtago matapos madamay sa BeaDom breakup

Ervin Santiago - May 01, 2024 - 11:00 AM

Angeli Khang 1 week hindi lumabas matapos madamay sa BeaDom breakup

Dominic Roque, Bea Alonzo at Angeli Khang

TINAWAG na fake news ng Vivamax Queen na si Angeli Khang ang chikang siya ang dahilan ng hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque.

Noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kontrobersyal na breakup nina Bea at Dominic ay isa si Angeli sa mga nadamay dahil sa panonod daw ng dating aktor sa mga pelikula ng sexy star sa Vivamax.

Baka Bet Mo: Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Marami ang nagsabing imposible naman daw na dahil lang sa panonood ni Dom ng Vivamax movies ni Angeli ay nakipaghiwalay na agad si Bea at humantong pa sa pagkansela ng kanilang kasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


May inilabas ding kuwento ang Pambansang Marites na si Xian Gaza tungkol sa pagkakadawit ni Angeli sa Bea-Dom breakup na agad namang pinabulaanan ng dalaga.

Sa bagong episode ng “Updated With Nelson Canlas” ay diretsahang itinanggi ni Angeli na may kinalaman siya sa breakup ng former couple.

“Fake news po, fake news siya,” ang mariing sabi ng 22-anyos na sexy star na napapanood ngayon sa Kapuso primetime series na “Black Rider” starring Ruru Madrid.

Depensa ni Angeli, hindi niya personal ba kilala sina Dom at Bea at never pa niyang nakatrabaho ang mga ito.

Baka Bet Mo: Ruru OK kahalikan si Angeli Khang pero ayaw sa love scene: Too much!

Rebelasyon pa ng dalaga, totoong naapektukhan siya ng mga tsismis tungkol sa isyu dahil talagang nagalit daw sa kanya ang mga fans ni Bea.

“Tingin sa akin ng mga tao kapag lumalabas ako na taray na taray talaga sa akin, parang ako talaga yung reason ng breakup nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)


“Gusto kong mag-explain sa kanila, wait hindi po, hindi po kami magkakilala,” pahayag ni Angeli.

Pag-amin niya, “Every time po na lumalabas ako, nakikita ko ‘yung mga tingin sa ‘kin ng mga tao na parang hate na hate nila ako.

“Kaya nu’ng time na ‘yun hindi muna ako lumabas ng one week. Hindi muna ako nagpakita sa lahat,” sey ng bagong leading lady ni Ruru sa “Black Rider.”

Matatandaang naglabas ng joint statement sina Bea at Dominic nitong nagdaang February para kumpirmahin ang kanilang breakup.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito sinabi nga nilang hindi na matutuloy ang kanilang kasal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending