Ruru OK kahalikan si Angeli Khang pero ayaw sa love scene

Ruru OK kahalikan si Angeli Khang pero ayaw sa love scene: Too much!

Ervin Santiago |April 21,2024
facebook
share this

Ruru OK kahalikan si Angeli Khang pero ayaw sa love scene: Too much!

Ervin Santiago - April 21, 2024 - 08:28 AM

Ruru OK kahalikan si Angeli Khang pero ayaw sa love scene: Too much!

Angeli Khang at Ruru Madrid

HINDI lang pala basta kissing scene ang dapat na gagawin ni Ruru Madrid at ng Vivamax A-lister na si Angeli Khang sa isang episode ng GMA Prime series na “Black Rider”.

Nang una silang sumabak sa taping together ay halikan kung halikan agad ang ipinagawa sa kanila kaya naman mabilis silang naging comfortable sa isa’t isa.

Kuwento ni Ruru, hindi raw talaga niya alam na magkakaroon sila ng kissing scene ni Angeli dahil nabasa lamang niya ang script nang mag-report agad siya sa taping galing sa Canada.

“Actually, ang nakalagay sa script, magsisimula sa kiss and then eventually parang mapupunta sa bed scene.

“Sabi ko teka lang po, parang masyadong abrupt,” ang chika ni Ruru nang makachikahan namin after ng mediacon para sa book 2 ng kanilang primetime series sa GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kasi parang too much and sa audience na rin at maraming sumusu­baybay na mga bata. So nu’ng ginawa namin ang eksena to be honest hindi siya bastos, eh. Parang wholesome at talagang may puso,” aniya pa.

Sey pa ng binata, tinanggal na raw totally sa script ang bed scene, “Ang naging eksena ni Direk (Rommel Penesa at Richard Arellano), drinown shot niya, eh,a parang maging romantic. Nu’ng nag-kiss na kami, inangat na niya (yung camera) para hindi masyadong kita ‘yung kissing.”

Ibig sabihin ba hindi siya ready sa paggawa ng love scene? “Hindi naman sa hindi ready. Kapag kailangan po talaga sa eksena, gagawin ko naman.

“Pero parang pakiramdam ko rin naman I mean personally, bilang isang viewer ng Black Rider baka sobrang abrupt, baka masyadong mabilis lang.

“Pero kung mailalatag naman natin ng maayos, slowly, gently, eh, why not?” esplika ng boyfriend ni Bianca Umali.

Tinukso naman ng press si Ruru kung may subscription siya ng Vivamax streaming app at kung nakakapanood siya ng mga sexy movies ni Angeli Khang.

“To be honest po, wala. Kasi hindi ako pwedeng mag-subscribe. May nakabantay,” sey ng aktor sabay laugh, na ang tinutukoy nga ay si Bianca.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


“Pero sa totoo lang nang magkaroon kami ng picture together (ni Angeli), pinsan ko, even my dad, even my friends, biglang nami-message sa akin ‘ uy si ano yan, si Angeli Khang.’

“Ang dami nilang sini-send na messages. So natatawa talaga ako. Parang… nakakatuwa kasi parang makasama ang isang pinapanood ng mga kaibigan mo,” sabi ng binata.

Hindi naman daw niya isinikreto kay Bianca ang halikan nila ni Angeli, “Ikinuwento ko po agad. Sa totoo lang, hindi malinaw sa akin na may kising scene. Galing kami ng Canada noon.

“Tapos pag-uwi dumiretso ako ng taping. So, pagdating ko set, nabasa ko na meron palang mga kissing. Doon ko na lang nalaman, akala ko joke lang ‘yun. Pero totoo pala.

“E, walang signal sa Tanay. So ako sabi ko, kailangan ko ‘tong masabi agad. Pero wala akong choice gagawin ko ‘yung eksena na hindi pa niya nalalaman.

“Pagkatapos ng taping, nung may signal na, sinabi ko sa kanya na kailangan naman sa eksena, may pinasok na bagong leading lady na kung saan meron kaming kissing scene, kailangan naming gawin.

“Kasi ang usapan namin ni Bianca, bilang mga actor, mas transparent kami sa isa’t isa. Kasi ‘yun ang nahanap naming sekreto para maging maayos ang relationship namin lalo na pagdating sa ganyang mga bagay.

“Kasi para alam namin ang expectation. Kasi may social media eh. May TV, na pag napanood niya, ba’t may ganyan? “Na-appreciate niya ‘yung honesty ko.

“Si Bianca kasi she’s very transparent, so of course ini-expect niya na ganu’n din ako sa kanya. ‘Yun ang parang naging dynamics ng relationship namin na maging transparent kami para alam din namin ang i-expect sa isa’t isa,” sabi pa ni Ruru.

“Kasi parang andun na kami sa point ng relationship namin, magsi-six years na kami sa July. Hindi naman sa walang selosan kasi ‘di rin naman natin maiiwasan ang ganu’n pero ‘yung level of trust namin buong-buo na.

“Ako marami rin naman akong naging kalokohan dati, kilala n’yo ako, mga kapilyuhan ko, kalokohan. Pero binago ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakita ko rin kasi ‘yung kahalagahan ng buhay at the same time ayoko na ring gumawa ng isang bagay na ikakasira ko bilang isang tao. Ayoko na po ng ganu’n,” sabi pa ni Black Rider.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending