Osang patitikimin ng paksiw na bangus belly, tapang usa si Piolo

#Sherep: Osang patitikimin ng paksiw na bangus belly, tapang usa si Piolo

Reggee Bonoan |April 29,2024
facebook
share this

#Sherep: Osang patitikimin ng paksiw na bangus belly, tapang usa si Piolo

Reggee Bonoan - April 29, 2024 - 09:52 AM

#Sherep: Osang patitikimin ng paksiw na bangus belly, tapang usa si Piolo

KARARATING pa lang ng Baguio City ni Rosanna Roces kahapon para sa 2nd cycle lock-in shoot ng seryeng “Pamilya Sagrado” ay ang pagluluto na agad ang inasikaso niya.

Ipinagluto raw kasi niya ang lead actor ng naturang Kapamilya series na si Piolo Pascual. Ipinost ni Osang ang niluto niyang ulam para sa aktor ngayong araw.

Aniya sa caption, “Dahil puro si Papa P (ang) kaeksena ko bukas (Lunes). Nagluto ako Paksiw na Bangus Belly at Tapang Usa.

“Masarap kumain lalo na pag nag-aagawan kayo di ba Marvin Yap (laughing face emoji),” sabi ng aktres.

Baka Bet Mo: Janice ikinumpara sa bangus si Gerald: Kasi matinik, parang ang daming issue

Ang binanggit na pangalan ay co-actor ni Rosanna sa “Pamilya Sagrado” na handog ng Dreamscape Entertainment at idinidirek nina Laurence Fajardo at Andoy Ranay.

Kinumusta namin ang aktres kung malamig pa rin sa Baguio at okay lang naman daw, “Kanina makulimlim at umuulan, ngayon okay na.”

Maganda raw ang lugar na tinitirhan ng buong cast and crew sa Baguio dahil isang buong building daw ito na sila lang ang nakatira.

Habang sinusulat namin ang balitag ito ay wala pang ideya si Osang kung kailan eere sa Kapamilya channel ang “Pamilya Sagrado.”

Kasama rin sa serye sina Aiko Melendez, Kyle Echarri, Grae Fernandez, Tirso Cruz III, John Arcilla, Shaina Magdayao, Mylene Dizon at marami pang iba. May special participation din dito sina Cristine Reyes at Bela Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending