Angeline buntis na sa 2nd baby; masayang-malungkot sa kasal

Angeline buntis sa 2nd baby nila ni Nonrev; masayang-malungkot sa kasal

Reggee Bonoan |April 28,2024
facebook
share this

Angeline buntis sa 2nd baby nila ni Nonrev; masayang-malungkot sa kasal

Reggee Bonoan - April 28, 2024 - 03:45 PM

Angeline buntis sa 2nd baby nila ni Nonrev; masayang-malungkot sa kasal

Nonrev Daquina at Angeline Quinto

IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh na buntis si Angeline Quinto sa ikalawang anak nila ng asawang si Nonrev Daquina.

Nakibalita sina Ogie at Mama Loi sa ginanap na kasal nina Angge at Nonrev sa Quiapo Church nitong Abril 25 at sa Manila Hotel naman ang reception.

Ayon kay Ogie ay hinihintay ng supporters ni Angeline ang anunsyo nitong buntis ulit siya pero nauna na niya itong ibinalita.

Baka Bet Mo: Angeline sa pagpapakasal sa Quiapo Church: ‘Matagal ko nang pinapangarap’

Dalawang taon na ang panganay ng mag-asawang si Sylvio na isinunod sa pangalan ng adoptive mother ni Angge na si Mama Bob.

Ayon pa sa balita, masayang-malungkot ang naramdaman ng singer-actress habang naglalakad siya sa mahabang aisle ng Quiapo Church.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Una, masaya ang singer dahil natagpuan na niya ang lalaking nais niyang makasama sa kanyang buhay.

At malungkot naman dahil hindi na ito na-witness ni Mama Bob dahil ito ang pangarap sa kanya ng kanyang nanay, ang makasal siya at magkaroon ng mga anak.

Star-studded ang kasal nina Angge at Nonrev dahil lahat ng sponsors at bisita nila ay pawang mga kilalang personalidad, kabilang na ang mga bosses ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Angeline ikinasal na kay Nonrev; Vice Man of Honor, Flower Girl si Sarah

Samantala, tila hindi na napansin ng nag-upload ng larawan nina Angeline at Nonrev sa social media habang nasa harap ng altar ang bagong-kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makikita kasi sa naturang litrato si Nonrev habang itinataas ang zipper ng kanyang pantalon habang nasa harap sila ng altar ni Angeline bagay na napansin din ng ilang netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending