Kim pinaiyak nina Vhong, Anne at Vice; super happy kay Paulo?

Kim pinaiyak nina Vhong, Anne at Vice; super happy sa piling ni Paulo?

Ervin Santiago |April 28,2024
facebook
share this

Kim pinaiyak nina Vhong, Anne at Vice; super happy sa piling ni Paulo?

Ervin Santiago - April 28, 2024 - 11:34 AM

Kim pinaiyak nina Vhong, Anne at Vice; super happy sa piling ni Paulo?

Kim Chiu, Kaladkaren, Kam Chiu, Bela Padilla, Vhong Navarro at Vice Ganda

TULUY-TULOY ang pag-iyak ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa ibinigay na birthday tribute sa kanya ng “It’s Showtime” kahapon, April 27.

Nag-celebrate ng kanyang 34th birthday si Kim last April 19, at nagkaroon nga siya ng salubong party sa Siargao kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.

Sa episode ng “It’s Showtime” kahapon, isa-isang bumati kay Kim ang kanyang mga kasamahan sa programa, kasama na ang kanyang ate na si Lakam.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naghakot na ng gamit sa condong bigay ni Willie: Magiging ugat pala ito ng pagkakasira natin

Nagulat talaga ang aktres nang biglang umapir sa stage ang kanyang ate para sa isang bonggang production number kasama ang kanyang mga friends na sina Bela Padilla at Kaladkaren.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi na napigilan ni Kim ang mapaluha nang magbigay na ng kanilang message ang mga kasamahan niya sa noontime show na sinimulan ni Vhong Navarro.

Nagpasalamat si Vhong kay Kim dahil hindi raw siya nito iniwan noong time na down na down siya dahil sa mga pinagdaanang pagsubok sa buhay, lalo na nang makulong siya.

“Kasi nu’ng down ako, nandu’n ka, eh,” ang naluluhang sabi ni Vhong. “Hindi mo ako pinabayaan doon. May mga request ako sa ‘yong ibinigay mo na dapat, hindi mo na kailangang gawin pero dahil nanatili ‘yung pagiging magkaibigan natin, nandu’n ka to support me.

Baka Bet Mo: Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

“Kaya anytime na kailangan mo ako, andito lang ako. I love you,” ang emosyonal na mensahe ng komedyante.

Patuloy ang pag-iyak ni Kim hanggang sa birthday message ni Vice Ganda, “Mahal na mahal kita. Hangga’t kaya ko, ipaparamdam ko sa ‘yo ‘yun.

“Gusto kong maramdaman mo na minamahal ka kasi masarap sa pakiramdam ‘yun, eh.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Gusto ko, maramdaman mo ‘yung pakiramdam na ‘yun ulit. At hindi matatapos na nararamdaman mo ‘yun, na minamahal ka. Kasi kamahal-mahal ka. At mahal kita talaga!” sey pa ng TV host-comedian.

Pareho namang naging emosyonal sina Kim at Lakam sa mensahe ng huli para sa kanyang kapatid, “As we all know, lahat naman tayo, alam natin how big ang puso ni Kimmy.

“Ito lang masasabi ko, mahal kita. I know words are kulang to say thank you but we’ll always be here for you,” pahayag ni Kam.

Mensahe naman ng BFF ni Kim na si Bela, “Sobrang saya ni Kim Chiu right now.” Nabitin ang mga manonood at fans ni Kim sa sinabi ni Bela.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero feeling ng madlang Kapuso, may bago nang inspirasyon ngayon si Kim at  ang hula ng karamihan, yan ay walang iba kundi ang kanyang leading man sa “Linlang” at “What’s Wrong With Secretary Kim” na si Paulo Avelino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending