Atom Araullo aminadong torpe, inisa-isa ang type sa babaeng dyowable
WALANG hiya-hiyang inamin ng Kapuso broadcast journalist na si Atom Araullo na isa siyang certified “torpe” pagdating sa babae.
Sa pambihirang pagkakataon, nagkuwento si Atom tungkol sa kanyang lovelife at past relationship, kabilang ang rebelasyon niya sa pagiging torpe.
Baka Bet Mo: Atom Araullo sa mga nambabatikos sa kanyang pagpuna sa transportation system ng bansa: Bakit defensive?
Inaming news anchor at premyadong dokumentarista sa isang episode ng “Surprise Guest With Pia Arcangel” na mahiyain talaga siya pagdating sa panliligaw lalo na noong nasa college pa siya.
View this post on Instagram
“Torpe, eh. ‘Yung ano, ‘yung half ligaw, kunwari hindi talaga ligaw pero, ‘yun na rin ‘yun,” ang natatawang chika ni Atom nang matanong about his lovelife.
“Ako guilty d’yan, eh. Guilty as charged. Especially when I was a lot younger in college,” aniya pa.
At yan daw ang dahilan kung bakit hindi siya nagkaroon ng dyowa noong nag-aaral pa siya sa University of the Philippines. Aniya, bukod sa torpe, mas nakatutok daw talaga siya sa pag-aaral.
“At the same time, parang ang dami ko rin ng mga ibang ginagawa, eh. Wala rin akong masyadong idle time. So, okay lang,” pagbabahagi pa ni Atom.
Baka Bet Mo: Atom Araullo: Minsan parang mas harsh pa tayo sa coach ng basketball kesa elected officials natin
Ano nga ba ang mga katangian ng isang tao na pwedeng makakuha sa kanyang atensiyon? Gusto raw niya yung “very passionate” sa mga ginagawa nito sa buhay.
View this post on Instagram
“I think, what I find attractive, especially, you know, at this stage of my life, ‘yung mga tao na very passionate about something.
“And people who are really kind. You get an understanding kung ano ‘yung genuine kindness eh lalo na, kapag mas, you know, mas may edad ka na.
“Hindi na ‘yung beyond the facade or parang yung magpakitang tao. You get an understanding for sino ‘yung mga may true empathy, ‘yung kahit mukhang masungit sa labas, parang ‘yung nakatago ‘yung, ano, ‘yung pagiging pusong mamon, ‘yung mga ganyan,” pahayag pa niya.
Naa-attract din daw so Atom sa taong “curious about the world.” Aniya, “Feeling ko kasi ‘pag ganu’n, ang daming, ang daming ‘yung pwedeng pag-usapan eh.
“Tapos ang daming ‘yung pwedeng gawin together,” paliwanag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.