Mark Herras ibinuking ni Rainier Castillo, dakilang torpe raw sa babae: 'Hindi siya marunong manligaw!' | Bandera

Mark Herras ibinuking ni Rainier Castillo, dakilang torpe raw sa babae: ‘Hindi siya marunong manligaw!’

Ervin Santiago |August 16,2023
facebook
share this

Mark Herras ibinuking ni Rainier Castillo, dakilang torpe raw sa babae: ‘Hindi siya marunong manligaw!’

Ervin Santiago - August 16, 2023 - 10:06 AM

Mark Herras ibinuking ni Rainier Castillo, dakilang torpe raw sa babae: 'Hindi siya marunong manligaw!'

Mark Herras at Rainier Castillo

NAGKALAGLAGAN ang magkaibigang Kapuso stars na sina Mark Herras at Rainier Castillo tungkol sa pagiging playboy.

Knows n’yo ba na sa likod ng “bad boy” at “babaero” image ni Mark ay isa siyang dakilang torpe at aminadong hindi marunong manligaw noon sa mga girls.

Sa Tuesday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, mismong si Rainier ang nambuking sa kaibigan at batchmate sa “StarStruck” Season 1 na mahina ang aktor pagdating sa panliligaw.

Nang sabihin ni Tito Boy na kilala si Mark sa showbiz bilang babaero, biglang umapela si Rainier, “Hindi po totoo ‘yan! Wala pong katotohanan ‘yan! Hindi ito marunong manligaw Tito Boy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


Hirit naman ni Mark, “Tito Boy, lagi akong napagkakamalan na ako ‘yung babaero. Ito (sabay turo kay Rainier) ‘yung babaero!

“Madaldal lang ako Tito Boy. Pero kapag meron siyang type, ‘Hoy lapitan mo,’” sey pa ni Rainier kapag daw may nagugustuhang babae.

“Eh, ako malakas ang loob ko, ako ‘yung lumalapit, ‘Gusto kang makilala ni Mark.’ ‘Pag nakita, ang pogi eh,” natatawa pang chika pa ni Rainier.

Baka Bet Mo: Bakit natsugi si Juliana Parizcova sa titulo ng pelikula nina Andrew E, Dennis at Janno?

Pagdepensa naman ni Mark sa kanyang “bad boy” image, “Mahiyain ako Tito Boy eh. Wala lang sa image ko Tito Boy, mahiyain ako, torpe tsaka conservative.

Hirit uli ni Rainier, “Sa tingin ko po noong umpisa hindi siya marunong. Noong tumagal, napag-aralan na niya ‘yung mga technic.”

Pero in fairness, eventually ay natuto ring manligaw si Mark kapag may natitipuhang girlalu, “Kasi malambing ako Tito Boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ico 🦖 (@nicole_donesa)


“Ako ‘yung tipo siguro ng lalaki na wala pa kayong relasyon, kunwari first time niyong magkausap sa text, kung iti-treat ko ‘yung babae parang akala mo jowa ko na, ‘Hi kumain ka na?’”

“More on touchy ako Tito Boy, malambing nga kasi ako,” aniya pa.

Sey naman ni Rainier, sinisimulan niya ang panliligaw sa pamamagitan ng cool na chikahan, “Kinakausap ko lang po nang normal.”

Samantala, diretsahan ding inamin ni Mark na pinormahan niya noon sina Jennylyn Mercado at Cristine Reyes na mga ka-batchmate sa “StarStruck”.

Dagdag pa niya, nagkaroon din siya ng tatlong dyowa sa showbiz. Taong 2021 naman nang pakasalan ni Mark ang Kapuso actress na si Nicole Donesa at biniyayaan sila ng isang anak, si Baby Corky.

Female singer na tumalo kay Regine sa mga amateur singing contest noon pumanaw na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea hindi payag na manligaw sa iba si Seth: Hindi ka pwedeng mag-commit sa dalawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending