Bakit natsugi si Juliana Parizcova sa titulo ng pelikula nina Andrew E, Dennis at Janno? Bandera

Bakit natsugi si Juliana Parizcova sa titulo ng pelikula nina Andrew E, Dennis at Janno?

Ervin Santiago |December 08,2021
share this

Bakit natsugi si Juliana Parizcova sa titulo ng pelikula nina Andrew E, Dennis at Janno?

Ervin Santiago December 08, 2021 - 09:00 AM

Juliana Parizcova Segovia, Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E

KNOWS n’yo ba na sinubukan din ng Kapamilya comedian at first Miss Q&A winner na si Juliana Parizcova Segovia na manligaw ng babae?

Inamin ni Juliana na never, as in never talaga siyang nagkaroon ng  sexual relationship sa isang girl ngunit aniya, nasubukan niyang manligaw noong nasa high school pa siya.

“Meron talaga akong na-bet-an na isang girl. Actually, yung girl ang may bet sa akin noong high school ako at nag-try ako na ligawan siya.

“Pero nu’ng nalaman niyang babading-bading ako, binasted ako. Pero ako yata yung nabasted na masaya kasi hindi nagtagumpay. Sa lahat ng mga nabasted ng babae, ako lang yung masaya!” ang humahalakhak na chika ni Juliana sa naganap na virtual mediacon ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige”.

Sey pa ng komedyante, super happy na siya ngayon sa kanyang buhay bilang proud member ng LGBTQIA+ community at tanggap nang hindi talaga babae ang hanap niya.

Natanong din si Juliana tungkol sa issue ng naging title ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige” na pinagbibidahan din nina Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla.

Sa pagkakaalam raw kasi ni Juliana, ang original title ng bagong pelikula ng Viva Films ay “Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay” na mula nga sa panulat at direksyon ng veteran actor na si Al Tantay.


Ngunit bigla na lang daw itong nabago at natanggal na ang “Sang-gay” sa titulo ng pelikula na tumutukoy nga sa kanyang karakter.

“Nag-usap kami ni Direk Al Tantay nung last shooting day namin. Originally kasi ang title ng movie is Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay. Yun ang original title ng movie, yun ang binuo ni Direk Al.

“Hindi ko alam kung ano yung nangyari, pero siyempre kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko nandoon talaga sa title ang karakter ko na Sang-gay.

“For me, isang napakalaking karangalan na mapasama [sa pelikula], pero alam ko may reason behind kung bakit nabago siya.

“Siguro, in God’s perfect timing, magkakaroon din ako kapag nagkasama-sama ulit kami, na nandoon na sa title yung role ko,” paliwanag pa ng komedyante.

Pero agad nilinaw ni Juliana na wala siyang sama ng loob sa Viva dahil sa nangyari. Sa katunayan, abot-langit ang pasasalamat niya sa mga bossing ng nasabing movie production company dahil patuloy pa rin siyang nabibigyan ng projects.

Super proud din siya na nakasama sa isang pelikula ang mga veteran at lodi ng komedya sa bansa na sina Andrew E., Dennis at Janno.

Magpapaputok na ang sex-comedy movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige” sa Vivamax simula sa Dec. 31, 2021.

Miss Q&A Juliana Parizcova hinampas ng trophy sa ulo; kontra sa pagsali ng trans sa Miss U

Juliana Parizcova Segovia naka-jackpot sa Viva; hugot na hugot ang drama sa ‘Gluta’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending