Willie nasa TV5 na, Wowowin tsinugi pero may bagong game show

Willie nasa TV5 na ulit, ‘Wowowin’ tsinugi pero may bagong game show

Pauline del Rosario |April 27,2024
facebook
share this

Willie nasa TV5 na ulit, ‘Wowowin’ tsinugi pero may bagong game show

Pauline del Rosario - April 27, 2024 - 09:46 AM

Willie nasa TV5 na ulit, ‘Wowowin’ tsinugi pero may bagong game show

PHOTO: Facebook/TV5

OPISYAL nang nagbabalik sa TV5 ang TV host na si Willie Revillame matapos pumirma ng kontrata sa Kapatid Network at Media Quest Ventures para sa bagong partnership.

Naganap ang contract signing noong April 26 at present diyan ang presidente ng MediaQuest Holdings and Cignal TV na si Jane Basa, TV5 President Guido Zaballero, MediaQuest Holdings CFO John Andal at Sienna Olaso.

“Gusto kong magpasalamat sa inyo, of course kay [Manuel V. Pangilinan], sa second chance,” sey ni Willie.

Wika niya, “Alam ko namang may doubt pa rin, but you have to understand syempre ‘yung mga pinagdaanan—alam niyo naman ‘yung pinagdaanan ko sa ibang channel.”

“Pero no regrets kung ano mang channel akong mapunta,” giit niya kasabay ng pasasalamat niya sa dating network, ang GMA, pati na rin ang executives nito.

Baka Bet Mo: Bonggang bahay ni Willie Revillame sa Tagaytay naibenta raw ng P3-B

Kasunod niyan ay nangako siya na handa siyang magbigay ng tulong sa TV5 sakaling kailangan siya ng network.

“Hindi lang ‘yung bagong programa ko ang aalagaan ko, even TV5,” pangako niya.

Ani ng TV host, “Kung anong maitutulong ko sa TV5, kung anong creativity, ideas, kahit walang bayad I’m willing to do that.”

Inamin din ni Willie na hindi na nila gagamitin ang titulong “Wowowin,” pero magkakaroon pa rin siya ng game show.

Sa ngayon daw ay nagbe-brainstorming pa rin sila sa magiging bago niyang programa.

Kung matatandaan, unang nagtrabaho ang TV host sa Kapatid network noong 2010 hanggang 2013.

Noong Marso naman nang kumalat ang tsismis na magkakaroon na ng TV comeback si Willie matapos makipagkita sa executives ng TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending