Randy join sa paglipat ni Willie sa TV5; sandamakmak ang guest sa EYE CON
SINIGURO ng singer-director na si Randy Santiago na tutulungan niya si Willie Revillame sa magiging programa niya sa TV5.
Ngayong sure na sure na ang muling pag-ariba ni Willie sa telebisyon, sa pamamagitan ng Kapatid Network, abangers na ang kanyang supporters sa kanyang pagbabalik.
Nakachikahan namin si Randy sa mediacon ng kanyang comeback concert na “EYE CON” kahapon at naitanong kung kasama siya ni Kuya Wil sa magiging programa nito sa TV5.
Baka Bet Mo: Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda
Kilalang matalik na magkaibigan ang dalawa at naging direktor din ng game show ni Willie na “Wowowin” si Randy kaya natanong namin siya kung kinuha uli siya ng veteran TV host.
“Nandito lang naman ako palagi kung kailangan niya. Saka kapag nag-uusap kami nina Willy, alam mo naman yun, sasabihin niya, ‘samahan mo naman ako.’
View this post on Instagram
“Sabi ko, ‘sasamahan kita bilang kaibigan.’ Kasi, siyempre…alam naman niya na hindi ko na kaya yung araw-araw na show.
“Kasi I still sing tapos may mga tour pa ko ngayon. Kaya medyo mawawala ako like may mga US tour at iba pang commitments, kaya medyo mahirap ang schedule ngayon,” paliwang ni Randy.
Sey pa ng singer, hindi nawala ang communication nila ni Willie kahit na matagal-tagal na silang hindi nagkikita at nagkakasama.
Baka Bet Mo: Tanggapin kaya ni Randy Santiago kapag inalok siyang maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’?
Nabanggit din niya na mula nang mawala sa ere ang “Wowowin” ay talagang nalungkot at na-bore si Willie.
“Iba yung frustration sa inip, eh. Oo, nainip siya. Kasi gusto niyang mag-show nang mag-show.
View this post on Instagram
“Kaya for a time, nag-Facebook live pero siyempre same cost eh. Facebook live ka o TV, yun din ang lalabas na expenses,” sabi pa ni Randy.
Samantala, super excited na ang OPM legend sa pagbabalik niya sa concert scene via “EYE CON” kung saan sandamakmak ang magiging special guests niya.
Present sa mediacon ang kapwa niya OPM icons na sina Rachel Alejandro at Gino Padilla. Naroon din ang mga baguhang singer na sina JM Yosures, Khimo, Lyka Estrella, JM dela Cerna, Marielle Montellano, Jezza Quiogue, Six Part Invention at ang P-Pop group na Calista.
Makakasama rin ni Randy sa concert ang Original Concert Queen na si Pops Fernandez, Juan Miguel Salvador, LA Santos at Nina.
Kuwento ni Randy, may “club vibe” ang concert dahil sa mga inihanda nilang production numbers. Pero sey ng singer, wala siyang kakantahing original hit songs niya.
“Yung concept na ginawa namin medyo ginawa naming dance. It’s a club experience. Tinanggal namin yung mga love songs yung mga ganun, yung beat niya para kang nagpunta ng mga club,” sabi ni Randy.
“It’s a collab of all the artists. Tinanggal ko yung mga kanta ko for this concert. We’re bringing them to the 80’s to the 90’s and present songs na bago, na nilagyan natin ng club theme,” dagdag pa niya.
Hahataw na ang “EYE CON” sa April 12 sa PICC Plenary Hall. Tickets are available at the Ticketworld website at https://premier.ticketworld.com.ph/shows/show.aspx?sh=EYECON24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.