Promise ni Chito kay Neri: I will always be your BF, boy toy & your baby
NAPA-SANA all na naman ang mga netizens sa open letter ng Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda para sa kanyang wais na misis na si Neri Miranda.
Muling ipinangalandakan ng singer-songwriter ang kanyang wagas na pagmamahal sa kanyang asawa sa pamamagitan ng isang heartwarming and touching post sa social media.
Kalakip ang isang throwback photo nila nila ni Neri, ibinandera ni Chito ang ilang pangako niya bilang mister sa kanyang pinakamamahal na asawa.
View this post on Instagram
“This is my baby.
“She is under my protection.
“She doesn’t need my protection, but I will protect her nonetheless,” ang simulang pagbabahagi ng OPM icon.
Pangako ni Chito, itatrato niya laging parang isang prinsesa si Neri, “I will take care of her, spoil her, and treat her like a princess.
“I will be strong when she’s feeling weak. I’ll make her laugh when she’s feeling down. I’ll snuggle and shut up when all she needs is a hug and someone na willing makinig sa kanya without judgment.
“I will always support you kung ano man ang trip mong gawin. Sasamahan kita kahit saan mo gusto magpunta, and I will always be here when you want to do things on your own,” pagbabahagi pa ng singer.
Isa pa sa promise ng bokalista ng PNE, “I am your husband, and my role is to take care of you…to make sure that your life is beautiful, fun, and easy…and whenever things get hard, I won’t make it harder for you.
Baka Bet Mo: Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?
“I will always be your teammate, and make sure that things will be easier to deal with kasi kakampi mo ako…hindi kalaban na dadagdag pa sa problema mo.
“I will always be your boyfriend, your bestfriend, your barkada, your kuya, your playmate, your boy toy, your travel buddy, and your baby,” mensahe pa ni Chito.
View this post on Instagram
Sa huli, nabanggit din niya na excited na siyang tumanda kasama ang kanyang wifey, “Nandito lang ako hanggang sa pagtanda…and excited akong tumanda kasama mo.
“Neri Miranda, know that you are loved.
“Chito.”
Siyempre, kilig na kilig naman ang mga IG followers ni Chito at sinabing sana all ng asawa ay katulad niya.
“Perfect match tlga kyo u always have each other’s back no matter what! Team Miranda.”
“Sana, lahat ng husband, ganyan ang pananaw! Hindi ung sila ang nag-eexpect na sila ang laging pagsisilbihan! Kung pwede ka lang ipa-clone, idol.”
“Iba din talaga ang tadhana. Si Chito and Kaye more than 7 years ang relasyon pero naghiwalay parin then nagpakasal si Chito at Neri. Sila talaga yung nakatadhana. Same with Kaye si Paul Jake talaga ang para sa kaniya. It just proves wala talaga yan sa tagal ng relasyon. Nasa kung kayo talaga ang itinadhana para sa isa’t isa.”
“Ms. Neri is so blessed to have you, and also your kids! Solid hanggang sa huli!
I wish I could find someone who is my boyfriend, my bestfriend, kuya, barkada, playmate and lover all packed in one person. Very ideal. Very rare as well. God Bless po love birds.”
Iyan ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens sa comment section ng post ni Chito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.