Robin umamin kay Mariel, may ibang babae, sino kaya?

Robin umamin kay Mariel, may ibang babae: Naglabas na siya ng ebidensya

Ervin Santiago |April 21,2024
facebook
share this

Robin umamin kay Mariel, may ibang babae: Naglabas na siya ng ebidensya

Ervin Santiago - April 21, 2024 - 04:53 PM

Robin umamin kay Mariel, may ibang babae: Naglabas na siya ng ebidensya

Robin Padilla at Mariel Rodriguez

HALOS “mamatay” na raw sa selos at matinding kaba si Mariel Rodriguez dahil sa naging usapan nila ng asawang si Sen. Robin Padilla.

Ibinandera kasi ng TV host at content creator ang pag-amin daw sa kanya ni Robin na may bago na itong kinahuhumalingang babae.

“What if sabihin ng asawa mo may girlfriend siya? Ano reaction mo?” ang inilagay na caption ni Mariel sa kanyang Facebook post.

Makikita rito ang screenshot ng naging convo nila ng asawang senador sa pamamagitan ng private message. Sabi ni Robin, may gusto siyang aminin na talaga namang ikinabahala nang bonggang-bongga ni Mariel.

Baka Bet Mo: Robin umamin kay Mariel kung kailan huling natukso sa babae; nagseselos sa ‘steak’ ng asawa

Pero inunahan na ng TV host si Robin at sinabing kahit na ano pa ang ilalantad ng senador ay mananatili pa rin siya sa likod nito at susuportahan siya kahit anong mangyari.


“Babe kung ano man yan alam mo na ako ay lagi nasa likod mo,” sey ni Mariel.

“Ano nangyayari?” ang sumunod na tanong ng TV host

“Babae babe,” sagot naman ni Robin.

“Naglabas na yun babae ng ebidensya.

“Batid na ng buong mundo,” ang sey pa ng aktor.

Sagot ni Mariel, “Ha? Hindi ko maintindihan.”

“Ang alam ko lang si…” ang sabi ni Mariel na tinakpan ng malaking heart sticker ang pangalan ng taong tinutukoy.

Kasunod nito, sinabi nga ni Robin na may “bagong girlfriend” na siya. At yan ay walang iba kundi ang award-winning international singer na si Taylor Swift.

Titulo kasi ang name ni Robin sa bagong kanta ni Taylor Swift.

Pero ang tunay na isyu para sa mga netizens ay kung sino ang taong tinutukoy ni Mariel na pwedeng maging “lover” ni Binoe. Narito ang ilang comments sa FB post ni Mariel.

“Sino po? Patanggal na ng sticker pls. Baka di po ako makatulog.”

Baka Bet Mo: Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

“Sino po? Pakireveal na para machismis kuna dito samin. Tagal ko ng nagkukulong sa bahay namin.”

“Meron talaga kc Ang alam nya lang c ??? Haha.”

“Sinong alam mo mariel? Hahaha”

“Heart reveal naman”

“Sino yarn naka heart mariel hahaha”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ay paalis naman po ng takip haha, tsismis.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending