Dolly Ann nakasamaan ng loob sina Annabelle at Sharon

Dolly Anne nakasamaan ng loob sina Annabelle at Sharon: Pero OK na kami

Reggee Bonoan - April 21, 2024 - 04:53 PM

Dolly Ann nakasamaan ng loob sina Annabelle at Sharon: Pero OK na kami

Annabelle Rama, Sharon Cuneta at Dolly Anne Carvajal

AMINADO ang Philippine Daily Inquirer entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal na ang best credential niya nang pasukin ang showbiz bilang manunulat ay ang namayapang inang si Ms. Inday Badiday.

Nahirapang gumawa ng sariling pangalan si Dolly dahil kailangan niyang mawala sa shadow ng kasikatan ng kanyang ina bilang TV host ng sarili nitong programang “Eye to Eye” at “See True”, bukod pa sa pagiging artista nito.

Pero kahit 20 years namg wala ang ina ni Dolly Ann ay lagi pa rin daw nababanggit na anak siya ni Inday Badiday.

“Proud naman ako and I don’t mind,” sabi nito sa panayam sa vlog ni Konsehala Aiko Melendez na in-upload sa YouTube channel kahapon.

Baka Bet Mo: Dolly de Leon inatake rin ng matinding nerbiyos sa ilang eksena nila ni Kathryn sa ‘A Very Good Girl’: ‘Ang dami kong natutunan sa kanya’

Natanong ni Konsi Aiko si Dolly Ann bilang showbiz columnist na kung may hot issue at involved ang kaibigan niya at kailangan niya itong isulat, ano ang take niya rito.

“Marami, ang principle ko diyan friendship always outlive a scoop kaya kahit na outscoop na ako ng iba wala akong pakialam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dolly Anne Carvajal (@dollywood922)


“Ang scoop they come and go naman, ang balita tuloy na umiikot ‘yan parang one day ito ang scoop tapos next month iba naman madali namang makalimot ang tao. Marami akong alam (scoops) before, iba kasi pag kaibigan, eh,” katwiran ng kolumnista.

Marami rin bang kaibigan na umaarbor ng balita na huwag nang isulat? “Oo, marami, but I make it a point na not too much of a columnist but to be a friend.”

Dagdag pa niya, “Kasi I grew up in the industry na Sis (tawag kay Aiko), so I’ll see the actors as persons not personality, parang tayo rin, you also have a right of privacy.”

Ang tricky question ni Konsi Aiko ay halimbawang kaibigan ni Dolly ang isang artista at nagkamali ito ng matindi kaya paano niya ito pagsasabihan at bilang manunulat ay kailangan itong isulat.

Baka Bet Mo: Maris ibinuking ang tunay na ugali ni Dolly de Leon kapag nasa shooting

“There’s a way of going out naman, you write it in constructive way without really condoning it, nasa anggulo-anggulo naman ‘yan,” paliwanag ng kolumnista.

Nabanggit din ni Dolly na hindi siya nagre-rely sa mga online news dapat ay inaalam niya mismo sa source at tungkol sa mga kontrobersiya ay tinatanong muna raw nito kung kumportableng isulat o ano ang puwedeng isulat.

Sa tanong ni Konsi Aiko kung sino ang best interviewee ni Dolly Ann, “Sa local, I enjoyed interviewing Martin Nievera always kasi he makes my work easier, walang tapon lahat quotable quotes.

“He really gives intelligent answers hindi showbiz answers, di ba alam mo ‘yun? Hindi ‘yung no comment or ang ikli lang (ng sagot) or parang nag-a-avoid. He’s my favorite interviewee, si Martin Nievera,” sagot ni Dolly Anne.

Ang worst interviewee naman, “Parang wala namang worst, how do you define worst?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dolly Anne Carvajal (@dollywood922)


Paliwanag ni Aiko, “Yung pinaiikot ka lang, wala kang makuha.”

“Maraming ganu’n, eh. Pero I’ll make them look smart para embezzle answers. Sabi ko nga personalities are also persons, minsan baka they’re having a bad day or wala lang sa mood, inuunawa ko na lang or pinagaganda ko na lang (mood) hindi ko ipipilit,” katwiran ni Dolly.

Nakakabuhay ba ng pamilya ang pagiging kolumnista? “Siguro noon during those times but ngayon, it’s not enough kailangan meron ka ring on the side.

‘I helped my son IC (Mendoza) sa digital marketing company niya. Mas malakas pa nga kumita si IC sa akin, sabi ko nga buhayin na lang niya ako ayaw ko na magtrabaho,” natawang kuwento ng kilalang showbiz columnist.

Ang payo ni Dolly Anne sa mga nangangarap na maging manunulat o kolumnista, “Siyempre una dapat you’re fond of writing, develop your own style, always have integrity. Hindi ‘yung nagsusulat ka lang just the heck na may masulat or parang you copy others.

“Isang advice ni mommy (Inday) ma-share ko lang, always focus on your own path, don’t look around you, your competitors kasi you’ll lose your focus kapag lingon ka ng lingon hindi mo namalayan naunahan ka na nila, so parang focus lang on your own path,” pahayag ng anak ng tinaguriang Queen of Intrigues.

Say ni Aiko, “Importante rin sis ‘yung credibility?”

“Oo, kasi ‘yun ang puhunan talaga pag nawala what’s the use of writing pa,” sagot ni Dolly Anne.

May mga nakasamaan na ba ng loob ang kolumnista na artista dahil hindi nito nagustuhan ang mga sinulat niya.

“Si Tita Annabelle Rama we had a clash before but we’re okay now but in the end napatunayan naman that what I wrote was true, siyempre as a mom she’s protecting Ruffa (Gutierrez) but okay na kami we worked together pa nga in Paparazzi (TV5 talk show).

“There’s a time si Sharon (Cuneta), she didn’t like ‘yung sinulat ko about KC (Concepcion) spotted in Hongkong with Lino Cayetano nu’ng sila pa. Wala naman akong malisya about it may nagpadala lang na fan na picture nila sa Hongkong Disneyland. E, siguro protective rin as a mom pero nagkaayos na rin kami ni Sharon.

“Luckily naman wala naman akong nailabas na parang fake or imbento parang misinterpretation lang I mean wala naman akong maliscious intent and so far wala naman akong libel case sa more than two decades kong pagsusulat.

“As I’ve said I have to protect my mom’s name, ‘yung naiwan niyang magandang pangalan, so, ingat na ingat ako,” kuwento pa niya.

Anyway, sa foreign artist na gusto niya at naging big fan ay si Renee Zellweger na super bait at bawal daw magpa-picture nu’ng nasa Taiwan sila para ikober ay talagang nagpakasali siyang magpapirma ng autograph at sinita raw siya ng mga marshall.

“Pero siya pa (Renee) ang tumawag sa akin at sabi, ‘oh you smell like my bestfriend na-recognize niya ‘yung perfume napaka-warm niya.

“‘It’s so nice of you to fly all the way here to Taiwan, I know there’s a storm back in Manila,’ sobrang sweet niya kaya talagang naging big fan ako ni Renee after meeting her face to face.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I also interviewed Quintin Tarantino (nagulat si Aiko at napaigtad sa upuan).  Oo, kami ni Cesar (Montano), we had dinner with him talagang na-starstruck ako no’n mabait naman walang pagkakaiba,” kuwento ni Dolly Anne.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending