Shaira napaiyak nang mahuli si EA na nanonood ng porn: Nasaktan ako!
MISMONG ang Kapuso actor na si EA Guzman ang umaming nahuli siya ng kanyang fiancée na si Shaira Diaz na nanonood ng porn.
Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit naiyak noon si Shaira, feeling daw kasi niya ay pinagpapantasyahan ng kanyang dyowa ang mga babae sa porn movies.
Sa pakikipagchikahan ng engaged couple sa content creator at talent manager na si Ogie Diaz na napapanood sa kanyang YouTube channel, ay napag-usapan ang ilang nakakalokang eksena sa kanilang relasyon.
Baka Bet Mo: EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’
At isa nga sa mga napag-usapan ay nang ma-caught in the act ni Shaira si EA na super watch ng porn sa ginagamit nitong gadget.
“Ngayon hindi na (nanonood ng porn). One time kasi nahuli niya ako, e. Tapos na ako sa ganu’n,” simulang chika ng Kapuso actor-dancer.
Sey naman ni Shaira, “Nu’ng nakita ko ‘yung history, na hindi ko inaasahan, sabi ko sa kanya, ’ano ‘to? Sino ‘to?’
View this post on Instagram
“Sabi niya kasi tapos na raw siya du’n. Ganyan. Matanda na raw siya para du’n. Tapos nakita ko ‘yung history, mayroong ano. Tapos umiyak ako,” pagsusumbong pa ni Shaira.
Rebelasyon pa ng “Unang Hirit” host, “Umiyak ako kasi nasaktan ako. Kasi siyempre, sinasabi kasi nila na normal lang sa lalaki na manood ng ganito, ganyan-ganyan. Bakit parang kailangang i-normalize?”
Dugtong pang pahayag ni Shaira, “Kasi para sa akin, ha, parang kung nanonood ka nu’n e, di parang pinagpapantasyahan mo ‘yung ibang babae.
“Hindi ko alam. Basta, nasaktan talaga ako,” pag-amin pa ng actress-TV host.
Kung matatandaan, nag-viral ang interview namin kay EA at ng ilang piling miyembro ng showbiz press, kung saan inamin niyang virgin pa rin si Shaira until now.
Sa 11 years nilang magkarelasyon ay never pang nag-sex ang engaged couple at handa raw maghintay si EA hanggang sa ikasal sila ni Shaira.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.