Sarah, Matteo ipinagdasal ang mga nasalanta ng pagbaha sa Dubai
IPINAGDARASAL ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang mga nasa Dubai, United Arab Emirates, lalo ang lahat ng Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho roon.
Marami ang nasalanta ng tumamang bagyo sa Dubai nitong nagdaang Martes, April 16, na naging sanhi ng mga pagbaha sa napakaraming lugar doon.
Ayon sa mga naglabasang ulat, ang tubig-baha na nagpalubog sa ilang bahagi ng Dubai ay katumbas na ng isang taong pag-ulan doon.
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach nakaboto na ng presidente ng Pinas sa Abu Dhabi; Camille Prats inilantad na rin ang tunay na ‘kulay’
Bago maganap ang matinding pag-ulan sa nasabing bansa, nag-concert pa roon sina Sarah at Bamboo na ginanap sa Coca-Cola Arena last Sunday, April 14. Kasama rin ni Sarah roon ang asawang si Matteo.
Sa kanilang X account, nag-post ang celebrity couple ng kanilang mensahe at panalangin para sa lahat ng mga naninirahan sa Dubai, kabilang na ang mga Filipinong naroroon.
View this post on Instagram
Pahayag ni Sarah, “Praying for everyone’s safety in Dubai…ingat po sa ating mga kababayan doon.”
Baka Bet. Mo: Sa wakas…Luis, Jessy nakapag-honeymoon na sa Dubai, 1st time mag-first class: Yung talagang pangyayamanin!
Ang message naman ni Matteo, “Thinking about all our kababayans in Dubai. Praying that everyone is safe.”
Sa comments section ng kanilang mga post, maraming kababayan nating mga OFW sa Dubai ang nagpasalamat sa pagmamahal at pagmamalasakit ng mag-asawa.
Base sa naglabasang report, tatlong Filipino ang nasawi sa pagbaha sa Dubai – dalawang OFW ang namatay dahil sa suffocation sa loob ng kanilang sasakyan, habang ang isa ay pumanaw sa aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.