Rhian Ramos uuwi na ng Pinas matapos ma-stuck sa Dubai airport

Rhian Ramos uuwi na ng Pinas matapos ma-stuck sa Dubai airport

Therese Arceo |April 19,2024
facebook
share this

Rhian Ramos uuwi na ng Pinas matapos ma-stuck sa Dubai airport

Therese Arceo - April 19, 2024 - 08:02 PM

Rhian Ramos uuwi na ng Pinas matapos ma-stuck sa Dubai airport

FINALLY ay makakauwi na ang Kapuso actress na si Rhian Ramos matapos itong ma-stuck ng ilang oras sa Dubai International Airport.

Isa ang aktres sa ilan pang mga pasahero na naantala ang pag-uwi dahil sa lakas ng ulan sa bansa na nakaapekto sa operasyon ng paliparan.

Sa X (dating Twitter) ibinandera ni Rhian ang mga larawan kung saan makikita ang kanyang ginawang higaan pati na rin ang mahabang pila ng mga tao sa connections desk.

Tanong ng aktres, “anyone from Emirates Dubai who could help. We need to rebook.”

Baka Bet Mo: Rhian Ramos sinorpresa si Sam Verzosa sa 1st anniversary ng ‘Dear SV’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matapos ang ilang oras ay nag-update na si Rhian na finally ay makakauwi na siya.

“Hallelujah! Thank you Lord!” saad niya.

Sa hiwalay na tweet, ibinahagi niya na isang milagro raw ang nangyari.

“Grabe, super miracle yung nangyari. Si happy to be coming home. So excited to shower too,” sey pa ni Rhian.

Nag-post rin ito sa kanyang Instagram stories ng mga larawan mula sa kanyang karanasan sa pagkaka-stuck sa airport.

Chika ni Rhian, dalawang araw rin siyang nanatili sa loob ng airport.

“Going home after sleeping on airport floors! Thank you Lord!” saad niya sa caption.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-comment naman si Michelle Dee sa post ni Rhian.

Aniya, “Come home SAFE please.”

Nakaranas ng disruption ang Dunai International Airport matapos magkaroon ng bagal sa iba’t-ibang parte ng United Arab Emirates dahil sa lakas ng ulan ngayong linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending