KimPau hindi na raw masyadong sweet sa isa’t-isa, sey ni Ogie

KimPau hindi na raw masyadong sweet sa isa’t-isa, ayon kay Ogie Diaz

Pauline del Rosario |April 20,2024
facebook
share this

KimPau hindi na raw masyadong sweet sa isa’t-isa, ayon kay Ogie Diaz

Pauline del Rosario - April 20, 2024 - 01:00 PM

KimPau hindi na raw masyadong sweet sa isa’t-isa, ayon kay Ogie Diaz

PHOTO: Screengrab from Instagram/@viuphilippines

MAY update ang showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol kina Kim Chiu at Paulo Avelino bilang isang KimPau fan.

Sa latest “Showbiz Update,” sinabi ni Ogie na maraming netizens na ang nagtatanong sa kanya kung magdyowa na ang kinikiligang dalawang artista.

Ang deretsahang sagot ng talent manager-vlogger ay hindi pa.

Ang nakakalungkot pa nga raw ay nabalitaan din niya mula sa kanyang source na hindi na rin masyadong sweet ang dalawa sa isa’t-isa.

Pero nilinaw naman ng showbiz insider na okay naman sina Kim at Paulo sa kanilang trabaho at taping ng pinagtatambalang serye na “What’s Wrong with Secretary Kim?

Baka Bet Mo: Paulo susugalan ang movie nila ni Kim; feeling lucky makatrabaho si Jake

“Ang nalaman ko lang mula sa production staff ng ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’ eh parang hindi na raw ganun ka-sweet,” chika ni Ogie.

Sey pa niya, “Okay sila set, pero ‘yung ligawan medyo malabo raw…Syempre, nalungkot ako, KimPau [fan ako eh].”

“Sabi ko nga sa production staff, ‘Bakit naman ganun? Eh mas sweet sila sa una.’ Nito na raw parang hindi na ganun ka-sweet. Sabi ko nga doon sa kausap kong production staff, sana sila pa rin ang magkatuluyan kasi talagang gustong-gusto ko sila,” patuloy ni Ogie.

Kwento pa niya, “Ang problema, parang hindi na raw ganun ka-intense ‘yung feelings ni Kim Chiu towards Paulo dahil si Paulo talagang passionate sa acting tapos kung ano lang ‘yung dumating, ganun lang siya.”

“Kasi parang may iba raw gusto si Paulo,” ani pa niya sa vlog, “Sabi ko nga, sana ‘yung sweetness nila on cam, sana ganun din sila sa off cam.”

Tanong naman ng kasama ni Ogie na si Mama Loi, “Pero sa tingin mo, hindi naman magkagalit sina Kim at Paulo?”

“Hindi naman,” paglilinaw ni Ogie.

Saad niya, “Ang hirap ‘nun na may kagalit ka sa set. Hindi sila magkagalit.”

“They are okay at sila naman ay nagkakasundo bilang sila ay naka-in character sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’” sambit pa ng talent manager.

Ang “What’s Wrong with Secretary Kim?” ang kauna-unahang romcom serye nina Kim at Paulo na mapapanood sa streaming service na Viu.

Ang Philippine series adaptation ay mula sa direksyon ni Chad V. Vidanes na sinusundan ang kwento ng mahusay na sektretarya na si Secretary Kim at ang perpekto niyang boss na si Brandon Manasala Castillo o BMC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unti-unti nilang madi-diskubre na inlove sila sa isa’t isa nang biglang mag-resign si Secretary Kim mula sa kanyang posisyon.

Kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, JC Alcantara, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, Yves Flores, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, at Brian Sy, kasama ang special participation ni Kim Won Shik.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending