Horror o comedy: Pelikulang ‘Abigail,’ ‘YOLO’ maglalaban sa takilya
ANO ang mas bet niyo mga ka-BANDERA – horror o comedy?
Showing na kasi sa lahat ng lokal na sinehan ang bagong vampire flick na “Abigail” at ang global-box office hit na ‘YOLO.’
Tiyak na tataas ang inyong mga balahibo sa “Abigail” na iikot ang istorya sa isang batang babae na na-kidnap, ngunit ang hindi alam ng mga suspek ay isa pala itong bampira.
At ang matindi pa, anak siya ng isang pinakamakapangyarihang underworld figure.
Heto ang kabuuang synopsis ng horror film:
Baka Bet Mo: 4 international films na babandera sa big screen ngayong Abril
“In ‘Abigail,’ after a group of would-be criminals kidnap the 12-year-old ballerina daughter of a powerful underworld figure, all they have to do to collect a $50 million ransom is watch the girl overnight. In an isolated mansion, the captors start to dwindle, one by one, and they discover, to their mounting horror, that they’re locked inside with no normal little girl.”
Ang horror movie ay mula sa directing team na sina Matt Bettinelli-Olpin at Tyler Gillett.
Para sa mga hindi aware, ang dalawang direktor ang nasa likod ng paggawa ng ilang sikat na horror movies, kabilang na ang “Ready or Not,” “Scream (2022)” at “Scream VI (2023).”
Ang bibida bilang si “Abigail” ay ang Irish singer-actress na si Alisha Weir.
Kung good vibes at inspirasyon ang nais niyo namang mapanood, swak na swak diyan ang comedy drama film na “YOLO.”
Napanood na namin ang pelikula at talaga namang napakaganda ng istorya na ginawa ng Chinese comedienne na si Jia Ling.
Hindi lang siya ang nagsilbing direktor at writer nito, siya rin mismo ang bumida sa inspirational film..
Ayaw din namin ma-spoil ang movie, pero hanep talaga sa galing ang kanyang body transformation na akala namin sa una ay effects lang, pero ipinakita naman diyan kung paano niya pinaghirapan ang pagpapapayat.
“YOLO tells the story of Le Ying (played by Jia Ling), who has been staying at home for many years, doing nothing in particular. After graduating from college and working for a while, Le Ying chooses to withdraw from society, closing herself off from social circles, which she believes is the best way to ‘reconcile’ with herself,” kwento sa synopsis ng pelikula sa inilabas na pahayag ng Columbia Pictures.
Patuloy pa, “Then one day, after several twists of fate, she decides to live life in a different way. In cautiously venturing into the outside world, Le Ying meets boxing coach Hao Kun (played by Lei Jia Yin), who just may change her life.”
Ang “YOLO” ay unang ipinalabas sa China noong February 10 at ito ay naging highest-grossing film na kumita ng $484 million o mahigit P27 billion.
Noong March 8 ay ini-release din ang comedy film sa United States at Canada na nakapasok pa sa Top 10 ng weekend box office ng nasabing bansa.
Nitong Abril ay ipinalabas na rin ito sa Australia, New Zealand, Hong Kong, Malaysia, Singapore at Thailand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.