Ai Ai sa first date nila ni Gerald: Nakakahiyang magbakulaw!

Ai Ai sa first date nila ni Gerald: Nakakahiyang magbakulaw sa paglamon

Ervin Santiago |April 17,2024
facebook
share this

Ai Ai sa first date nila ni Gerald: Nakakahiyang magbakulaw sa paglamon

Ervin Santiago - April 17, 2024 - 09:00 AM

Ai Ai sa first date nila ni Gerald: Nakakahiyang magbakulaw sa paglamon

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

NAKAKALOKA pala ang mga naging eksena sa first date ng mag-asawang Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan.

Ayon sa Comedy Queen, binigyan pala niya ng kondisyon si Gerald nang yayain siya nitong mag-date sila sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa pagdiriwang ng kanilang 10th anniversary bilang magdyowa, binalikan ni Ai Ai ang ilang kaganapan nang yayain siya ni Gerald na mag-date.

Baka Bet Mo: Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit

Sa kanyang Facebook page, sinabi ng veteran comedienne na sa isang coffee shop sila unang nag-date ng kanyang pinakamamahal na mister.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Mababasa sa FB status ni Ai Ai, “Gerald: Ms. Ganda, pwede ka bang mai-date?

“Ai Ai: Hoy bagets, kung ako ang magbabayad hindi na ko makikipag-date sa ‘yo.

“Gerald: May pera ‘ko, syempre ako mag-babayad

“Ai Ai: Ok!”

Pag-alala pa ng Kapuso star, soya milk at cheesecake lang daw ang kanyang in-order sa kanilang unang pagde-date dahil inakala niyang hindi sapat sa isang bonggang date ang dalang pera ni Gerald.

“Ang arte ko, ‘kala ko kasi konte lang dala n’ya. Nakakahiya naman magbakulaw ako sa paglamon!” sey pa ni Ai Ai.

Baka Bet Mo: Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

At makalipas nga ang 10 taon, sabi ni Ai Ai, sana raw ay lumafang siya nang todo at sa isang fine dining restaurant niya niyaya si Gerald dahil late na niyang nalaman na P3,000 pala ang laman ng  wallet nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Yun lang nakalimutan ko na ending after one month jowa ko na s’ya. ‘Yun lang bye!” ang kuwento pa ng komedyana sa kanyang FB post.

Nauna rito, nag-post din ang komedyana sa IG ng kanyang anniversary message para kay Gerald kalakip ang compilation ng kanilang photoshoot. May hawak na number balloons ang mag-asawa na “10.”

“ONE DECADE DOWN, FOREVER TO GO,” she wrote. “Ten years of togetherness … Thank you dear LORD for our marriage.

“I am very grateful for this beautiful journey and blessings from you .. To GOD be the glory always .. mahal na mahal kita.

“Happy 10th year anniversary my darling … Love will keep us together …. I love you so much,” mensahe pa ni Ai Ai kay Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpakasal sina Ai Ai at Gerald noong December, 2017 sa Christ the King Parish Church in Greenmeadows, Quezon City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending