Vivamax Bombshell Audrey Avila ibinuking ang ugali nina JM at Kim
IN FAIRNESS, promising ang Vivamax Bombshell na si Audrey Avila na nagmarka bilang kabit ni JM de Guzman sa Kapamilya drama series na “Linlang.”
Nakachikahan ng BANDERA ang dalaga sa presscon ng bagong Vivamax Original Movie na “Dayo” mula sa 3:16 Productions and directed by Sid Pascua.
Malakas ang dating ni Audrey at bukod sa maganda at sexy ay may ibubuga rin siya sa aktingan tulad ng ipinamalas niya sa “Linlang” na pinagbibidahan nga nina JM, Kim Chiu at Paulo Avelino.
Kuwento ng sexy star sa amin, napakarami niyang natutunan sa mga co-stars niya sa “Linlang”, lalo na kina JM at Kim. Puring-puri nga niya ang mga ito dahil ang babait at talagang nakasuporta lagi sa buong production.
View this post on Instagram
Nu’ng una raw ay talagang nahihiya siyang makihalubilo sa mga lead stats ng serye pero mismong sina JM, Kim at Paulo raw ang gumagawa ng paraan para mawala ang hiya ng tulad niyang nasa supporting cast.
“Ang babait nila, hindi mo mararamdaman na big stars sila. Lalo na si Ate Kim, kasi funny din siya, sobrang masayahin. At talagang magaling siyang actress, lahat sila ang gagaling!” aniya.
Wish ni Audrey na sana’y mabigyan siya uli ng chance na makatrabaho ang lead stars ng “Linlang.”
Baka Bet Mo: Vice kinakarir ang pasabog at trending look sa Everybody Sing; stylist umaming nape-pressure
Samantala, isa na namang challenging role ang gagampanan ni Audrey sa “Dayo” bilang isang “retired prosti” kaya talagang pinag-aralan niya ang galawan ng isang sex worker.
“Nanood ako ng mga films for my references sa character ko. Yung nga nuances and mga posture ng prostitute. Naipakita ko na rin ang lahat (sex scenes). Pero may ipapakita pa ako, every project laging challenging at may ipapakita,” sabi ni Audrey sa presscon ng “Dayo.”
May love scene sila ng isa pang bida sa movie na si Rica Gonzales, “Sa amin, ‘yung normal love scene lang. Cake by the ocean ang tawag namin.
“Sa dagat lami nag-sex so, gabi siya at walang masyadong tao and sobrang hot ng eksena na yun. Quickie lang siya and hindi naman mahirap kasi naka-standing lotus position kami, so hindi siya naka-expose sa dagat o buhangin,” chika pa niya.
Sa pelikulang “Dayo” ni direk Sid Pascua at sa panulat ni Quinn Carrillo, sundan ang kwento ng isang babaeng gustong magbagong-buhay sa bagong lugar pero pilit na sinusundan ng problema.
View this post on Instagram
Si Rica Gonzales ay gumaganap bilang si Elsa, dancer sa isang club sa Manila na pinamumugaran ng mga bastos at korap na kalalakihan.
Dahil sa uri ng kanyang trabaho ay tinalikuran siya ng kanyang pamilya. Ito ang nagtulak sa kanyang iwan na ang lahat at dumayo sa probinsiya.
Sa La Union napadpad si Elsa, dahil na rin nandoon ang kanyang best friend na si Aya (Audrey Avila). Dito, walang nakakaalam ng kanyang pinanggalingan at walang huhusga sa kanya. Ramdam niya na siya ay malaya. Wala sa isip niya ang pag-ibig, pero hindi malayong mangyari ito.
Si Calvin Reyes ay si Eddy, tricycle driver. Siya ang unang lalaking magpaparamdam ng pagmamahal kay Elsa. Hindi siya tinatrato ni Eddy na babaeng bayaran kundi isang babaeng marangal at nirerespeto. Sa piling ni Eddy, naging tahanan na ang La Union para sa kanya.
Pero laging may hahadlang sa kaligayahan ni Elsa. Masasangkot si Eddy sa illegal na bagay. Sa kasamaang palad, ito rin ang magdadala kay Elsa sa taong tinakasan niya mula sa kanyang nakaraan.
Meron pa bang lugar kung saan pwedeng makasama ni Elsa si Eddy nang mapayapa?
Kasama sina Marco Gomez at Nathan Rojas, ang “Dayo” ay mapapanood sa Vivamax simula April 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.