JM 1 year nang nanliligaw kay Donnalyn: Naniniguro lang siya!

JM de Guzman 1 year nang nanliligaw kay Donnalyn: Naniniguro lang siya!

Ervin Santiago - April 15, 2024 - 12:10 AM

JM de Guzman 1 year nang nanliligaw kay Donnalyn: Naniniguro lang siya!

Donnalyn Bartolome, JM de Guzman at Lovi Poe

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Donnalyn Bartolome ang Kapamilya actor na si JM de Guzman.

Isang taon na ngayong nanliligaw si JM sa actress-singer at sexy vlogger at umaasa ang aktor na darating din ang tamang panahon na makakamit din niya ang matamis na “OO” ni Donnalyn.

Nakachikahan ng BANDERA ang aktor nitong nagdaang Sabado, April 13, sa presscon ng bago niyang movie under Regal Entertainment, ang “Guilty Pleasure” kasama sina Lovi Poe at Jameson Blake.

Dito natanong nga namin siya kung kumusta na ang kanyang lovelife at kung sinagot na ba siya ni Donnalyn.

Baka Bet Mo: JM de Guzman hindi nahirapang manlinlang sa ‘Linlang’: ‘Grabe! Ang daming nagagalit at napipikon sa akin!’

“Nanliligaw pa rin po ako,” ang pag-amin ni JM sabay ngiti nang pagkatamis-tamis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero bakit nga ba until now ay hindi pa siya sinasagot ng dalaga, e, ang dami-daming babaeng nagkakandarapa na maging dyowa niya. May ilang netizens pa nga ang nagsabi na sila na lang ang dyowain at huwag na si Donnalyn.

Paliwanag ni JM, “Siguro, naninigurado lang kasi baka pangit ‘yung panliligaw ko. Baka may mga sablay siguro.”

Pero nabanggit naman ni JM na “exclusively dating” sila ni Donnalyn, meaning hindi sila lumalabas o nakikipag-date sa iba.

Baka Bet Mo: JM de Guzman nabaliw dahil sa babae, sinaktan ang sarili: ‘Matindi akong magmahal, kaya nu’ng nawala siya… sobrang sakit’

Nangako naman ang aktor na tuluy-tuloy siyang magtitiyaga at maghihintay kung kailan magiging handa sa isang seryosong relasyon si Donnalyn dahil naniniwala siya na ang aktres na ang kanyang “the one.”

Samantala, inamin din ni JM na inatake siya ng matinding nerbiyos nang ialok sa kanya ng Regal Entertainment ang “Guilty Pleasure” kung saan first time niyang makakatambal si Lovi Poe.

Mas nadagdagan pa raw ang pressure na nararamdaman niya sa pagsisimula ng kanilang shooting nang malamang personal choice siya ng aktres na maging leading man.

“Hindi ko po ma-pinpoit kung ano ‘yung meron kay Lovi kaya may matinding pressure pero siguro how she handles herself.

“And kung napapanood ko siya, ang galing-galing niya and how she presents herself, sobrang humble, sobrang confident. Parang medyo may intimidation din ako,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin din niya na nabawasan ang confidence niya dahil sa kanyang timbang, kaya nang malaman niyang ni-request siya ni Lovi ay hindi raw siya makapaniwala.

“Kasi, ‘di ba, parang medyo lumaki ako, tapos parang medyo nabawasan ‘yung confidence ko, self-esteem ko, nabawasan din, and ‘yun, hindi ako makapaniwala pero kinilig pa rin ako,” ani JM na gaganap na lawyer sa movie.

Pero gagawin daw lahat ng aktor para mabigyan ng hustisya ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng Regal Entertainment producer na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Guilty Pleasure” ay mula sa direksyon ni Connie Matuno kung saan makakasama rin sa cast  si Jameson Blake ang mga baguhang youngstars na sina Sarah Edwards, Dustin Yu, Angelica Lao, Lorraine Wong at Raf Pineda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending