Sa wakas, makalipas ang 1 taon... Donnalyn Bartolome pumayag nang makipag-date kay JM de Guzman | Bandera

Sa wakas, makalipas ang 1 taon… Donnalyn Bartolome pumayag nang makipag-date kay JM de Guzman

Ervin Santiago |November 13,2023
facebook
share this

Sa wakas, makalipas ang 1 taon… Donnalyn Bartolome pumayag nang makipag-date kay JM de Guzman

Ervin Santiago - November 13, 2023 - 12:56 PM

Sa wakas, makalipas ang 1 taon... Donnalyn Bartolome pumayag nang makipag-date kay JM de Guzman

JM de Guzman at Donnalyn Bartolome

SA wakas napapayag na rin ng Kapamilya actor na si JM de Guzman si Donnalyn Bartolome na makipag-date sa kanya makalipas ang mahigit isang taong panunuyo sa dalaga.

Maraming natuwa at kinilig sa ipinost ni JM sa kanyang Instagram account tungkol sa pagsagot ni Donnalyn ng “yes” nang yayain niya itong sumama sa kanya para sa isang bonggang romantic date.

Inilarawan pa ng “Linlang” actor ang naganap na bonding moment nila ng aktres at sexy accontent creator bilang “not so friendly date”.

Sa isang short video na ibinahagi ng binata sa kanyang IG account mapapanood ang sweet moments nila ni Donnalyn habang nakasakay sa isang yate.

Sabi ni JM sa caption, napakatagal niyang hinintay na mangyari ang pinakaaasam niyang date with Donnalyn and finally natupad na rin ang isa sa kanyang ultimate dream.

“Pumayag na siya. Matagal ko hinintay itong araw na ‘to. Ilang beses ko na syang tinanong tungkol sa date na ‘to simula Mayo 2022 pa lang.

Baka Bet Mo: JM de Guzman umaming ‘naaadik’ ngayon sa isang female celebrity…si Donnalyn Bartolome ba yarn!?

“Hindi ang sagot niya. sinubukan ko sa ‘Can’t Say No Challenge…'” ang bahagi ng pahayag ni JM patungkol kay Donnalyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagpapatuloy pa niya, “Can’t say no, pero nag-no pa rin siya. Kung pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sakin, kuntento na ako, makasama ko lang siya…ay hindi, liligawan ko siya.

“Niligawan ko siya. Dalaw ako ng dalaw, baka sakaling dumating ang araw na pumayag na siya.

“Lumipas ang isang taon at dalawang buwan, Hunyo 2023…pumayag na siya,” ang pagbabahagi pa ni JM.

Baka Bet Mo: JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa

Nagkomento naman sa Instagram post ni JM si Donnalyn na mas ikinakilig pa ng kanilang fans, “Alam mo.. hindi ako hospital pero patient ka.”

Sa panayam kay JM ng “Magandang Buhay”, diretsahang sinabi ng Kapamilya actor na hanggang ngayon ay sinusuyo pa rin niya ang dalaga kaya naman “nagparinig” na siya on national TV.

“Nanliligaw po,” ang one-liner na sagot ng binata nang ma-interview ng kanyang leading lady sa teleseryeng “Linlang” na si Kim Chiu.

Sundot na tanong kay JM kung kumusta na ang relasyon nila ngayon ni Donnalyn, “Okay naman po.”

Kinulit-kulit pa siya kung nag-“yes” na ba ang aktres at singer sa kanya, “Hindi pa eh. Tagal ko nang nanliligaw. Baka naman?”

Sa isa pang interview, sinabi ni JM na “willing to wait” naman siya sa panliligaw kay Donnalyn. Umaasa raw siya na sana’y dumating din yung araw na maibigay na sa kanya ng dalaga ang pinakamimithing matamis na “oo.”

Ilang buwan na rin siyang pumoporma sa singer-vlogger pero sabi ng aktor, hindi naman siya nakakaramdam ng pagkainip.

“Okay naman. Nanliligaw pa rin. Siyempre, kapag may gusto kailangang ipaglaban,” ani JM.

Nakangiti pang sabi ng aktor tungkol sa kanyang paghihintay sa sagot ni Donnalyn, “Napapawi ang inip ko kapag nakikita ko siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inisa-isa rin ni JM ang mga qualities na nagustuhan niya kay Donnalyn, “She’s a very caring person, very sincere. Di ko alam, e, nai-inspire ako sa kanya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending