Carl Guevarra ng The Juans 2 beses winasak ni female star

Carl Guevarra ng The Juans 2 beses winasak ni female star: Red flag yun!

Ervin Santiago |April 15,2024
facebook
share this

Carl Guevarra ng The Juans 2 beses winasak ni female star: Red flag yun!

Ervin Santiago - April 15, 2024 - 06:30 AM

Carl Guevarra ng The Juans 2 beses winasak ni female star: Red flag yun!

Carl Guevarra

NAKAKALOKA pala ang ginawang “panloloko” ng isang female celebrity sa vocalist ng grupong The Juans na si Carl Guevarra.

Not once, but twice pinaasa ng naturang babaeng personalidad ang OPM artist kaya naman wasak na wasak that time ang kanyang puso.

Iyan ang rebelasyon ni Carl nang sumalang siya sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” nitong Sabado kasama ang best friend niyang si Chael Adriano.

Si Carl ang nag-open ng segment sa pamamagitan ng pagkanta ng hit song ng The Juans na “BTNS” o “Bakit Nangyari ‘To Sa ‘Tin.”

Baka Bet Mo: Gladys Guevarra sa mga nangnenega sa kanyang 2nd marriage: Masaya po ako ngayon, ‘wag n’yo pong basagin

Kuwento ng singer, habang binubuo raw niya ang nasabing kanta ay ipinarinig pa niya ito sa female celebrity na aniya’y “ka-talking stage” niya nu’ng panahong yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carl Guevarra (@carlchristiang)


Ayon kay Carl hindi natuloy ang kanilang love story dahil nabuking niyang may dyowa na pala ito.

Nangyari ito nang mag-guest ang The Juans sa show ng tinutukoy niyang female star. Balak sana niya itong sorpresahin sa dala niyang cookies na ipina-bake pa niya mismo sa kanyang nanay.

Nang sabihin niya sa isang kaibigang celebrity na nandu’n din sa show ay bigla raw itong nagalit dahil siya pala ang boyfriend ng girlalu!

“May isang instance na mag-guest kami sa isang show, magpe-perform kami tapos bago kami sumalang, nalaman ko na ‘yung ka-talking stage ko may boyfriend pala na kaibigan ko rin,” pagbabahagi ni Carl.

Pero aminado ang binata na sa kabila ng nangyari ay binigyan pa rin niya ng second chance ang naudlot nilang love story nang maghiwalay ang female celebrity at boyfriend nito.

Baka Bet Mo: Gladys balik-stand up comedy sa US, asawa na-shock: Grabe! Iba ka pala talaga mahal!

“‘Yun ‘yung lesson ko. Red flag ‘yun pero in-ignore ko because what felt good to me was more important to me during that time versus the red flags,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carl Guevarra (@carlchristiang)


Ayon kay Carl, ipinakilala na niya ang babae sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nu’ng simula ay okay naman ang kanilang relasyon pero unti-unti na naman itong nagbago.

“When they broke up, we started talking again and dito ako naging marupok. Eh, gusto ko siya eh, so nu’ng break na sila, malinis na break na talaga nag-usap kami ulit, so akala ko ayun na ‘yun.

“Ako I am not shy to admit na kahit may mga red flags siya noong umpisa, noong kinausap niya ako ulit nagre-engaged ako.

“Although feeling ko mas totoo na ‘yun kasi nakakausap niya na ang mga friends ko, nag facetime na kami ulit, family ko nakausap na niya, mga kaibigan ko sa probinsya naka-face time niya.

“So akala ko, baka ito na talaga ‘yun game na talaga,” aniya.

“Nagulat ako na one time, may nakita kaming article ina-announce na she is with another person and they are official. It’s out here. They are celebrated. They’re a love team,” ang pagbabahagi pa no Carl.

Hindi na binanggit pa ng singer-songwriter ang pangalan ng female celebrity pero aniya, okay pa rin naman sa kanya na maging kaibigan ito pero hanggang doon na lang.

“The reason why we wanna protect her is because I still believe at the end of the day that she has a good heart. She’s a good person.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maybe one way or another there’s just something na nangyari sa kanya. Maybe that’s how the industry is, maybe it’s how her past heartbreak affected her,” sey pa  ni Carl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending