Gladys balik-stand up comedy sa US, asawa na-shock: Grabe! Iba ka pala talaga mahal! | Bandera

Gladys balik-stand up comedy sa US, asawa na-shock: Grabe! Iba ka pala talaga mahal!

Ervin Santiago |September 16,2021
facebook
share this

Gladys balik-stand up comedy sa US, asawa na-shock: Grabe! Iba ka pala talaga mahal!

Ervin Santiago - September 16, 2021 - 12:23 PM

Mike Navarrete at Gladys Guevarra

NAKAHANAP din ng mga raket ang Kapuso comedienne na si Gladys Guevarra sa Amerika sa kabila ng patuloy na banta ng pandemya roon.

Tuwang-tuwa ang komedyana dahil makalipas nga ang mahabang panahon ay muli siyang nakatungtong sa stage para makapag-perform.

Ibinalita ni Gladys ang good news  matapos ang gig niya sa isang resto bar sa New York City. Doon na siya naka-base ngayon kasama ang asawang si Mike Navarrete. 

Nag-post ang TV host sa Instagram ng ilang litrato na kuha habang nagpe-perform siya sa stage kung saan unang beses daw siyang napanood ng kanyang mister.

“Grabe, I really miss performing. Napakasaya ng gabing to sa D’ Haven Restaurant sa Woodside, New York City. Thank you so much guys,” bahagi ng kanyang caption.

Pagpapatuloy pa niya, “Eto nang kwento, never pa ko napanood ng asawa kong nag perform eversince. Kasi nga, to begin with hindi nya ko kilala (which is a good thing).

“When we started dating, alam lang nya may Gladys Guevarra na artista daw, but he doesn’t have any idea, ano ginagawa ko and kung ano meron at ganap. 

“So after the show nitong gabi sa New York . . . Isa lang nasabi ng asawa ko . . . “Grabe! Iba ka pala talaga mahal. Ang galing mo! Sobra! Kakaiba kang performer,” kuwento pa ni Gladys. 

“Sabi ko pa, feeling ko nga hindi pa ‘yan yung best ko, gawa ng matagal na pahinga sa pandemic na to, parang feeling ko kako nangalawang ako. 

“Sabi nya ‘No mahal! You still have it! Galing mo, grabe ka!’ Thank you Mahal ko. #newyork #newyorkcity,” chika pa ng komedyana.

Kung matatandaan, ikinasal si Gladys kay Mike sa Amerika noong May, 2021. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero bago pa niya nahanap ang kanyang “forever” ay naging kontrobersyal muna ang TV host dahil sa huli niyang nakarelasyon dahil sa issue ng pera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending