Gladys Guevarra sa mga nangnenega sa kanyang 2nd marriage: Masaya po ako ngayon, 'wag n'yo pong basagin | Bandera

Gladys Guevarra sa mga nangnenega sa kanyang 2nd marriage: Masaya po ako ngayon, ‘wag n’yo pong basagin

Therese Arceo - August 17, 2023 - 03:28 PM

Gladys Guevarra sa mga nangnenega sa kanyang 2nd marriage: Masaya po ako ngayon, 'wag n'yo pong basagin
PUMALAG ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra sa mga taong patuloy na nagbabato ng negatibong komento ukol sa kanyang muling pagpapakasal.

Matatandaang inanunsyo ng komedyana sa kanyang social media accounts noong August 13 na ikinasal siya sa isang non-showbiz guy sa Las Vegas, Nevada at nagdesisyon siyang huwag ipakilala sa publiko ang kanyang bagong hubby.

Dahil rito, marami sa mga netizens ang lalong nanggigil at na-curious kung sino nga ba ang misteryosong lalaking pinakasalan ni Gladys lalo na’t nauna nang napabalitang ikinasal siya noong 2021.

Kaya naman hindi na napigilan ng komedyana ang sarili at nagsalita na laban sa mga bashers na ayaw siyang tantanan.

“Masaya po ako ngayon, wag nyo pong basagin dahil sa madudumi ninyong utak at opinyon. Wala po akong pakialam sa mga opinyon nyo. Dahil di nyo po maibibigay ang kaligayahan ko,” saad ni Gladys.

Pagpapatuloy niya, “Lalo na mga news na guma-grab, wag nyo po akong gamitin para sa views ninyo. Hindi nyo po alam ang buhay na inabot ko sa taong pinapasikat nyo pa.”

Ayaw na sanang mag-post ni Gladys bilang respeto sa kanyang asawa at sa pamilya nito ngunit ang daming nagsasabi ng hindi maganda at parang ayaw siyang maging masaya kaya napilitan siyang maglabas ng saloobin sa social media.

“Ayaw ko na sana ipost ito, bilang respeto ko sa asawa ko at sa pamilya ng asawa ko. Andami ninyong alam. Andami ninyong pwedeng sabihing magaganda. Hindi ko maintindihan bakit ganyan pa din mga pananaw ninyo.

Baka Bet Mo: Gladys Guevarra ikinasal na: Hindi po ito collab, ito po ay katotohanan

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi ko kayo pinapakiusapang gustuhin ako. Nag share ako ng happinesss ko pero heto kayo at patuloy sa pambabatikos. wala ko magawa, dyan kayo masaya. Kaya sana dahil din masaya ako ngayon, yung mga pag kutya ninyo hindi nyo ba pwedeng sarilinin?” sey pa ni Gladys.

Imbes raw na buhay niya ang atupagin ay mag-focus na lang daw ang mga ito sa sariling buhay lalo’t wala naman raw ideya ang mga ito sa pinagdaanan niya sa buhay kasama ang taong hindi na niya pinangalanan.

Lahad pa ni Gladys, “Masaya akong nagbahagi ng happiness ngayon, magkasya na sana kayo dun. Kaya di ko kailangan ng maraming followers eh. Sa totoo lang, d ko na ata responsibilidad na pasayahin kayo. Dahil nung mga panahong dumudugo ang loob ko, wala naman kayong lahat sa tabi ko.

“Kaya wala akong utang na loob sa inyo para magsalita kayo ng hindi maganda sa akin. Kaya pasensya na sa mga maba-block. Di ko po kayo kailangan.”

Ang tagal na raw inaantay ni Gladys ang maramdaman ang ganitong kasiyahan kaya kung sinuman ang magsasalita nang hindi maganda laban sa kanya at sa asawa, ay hindi siya magdadalawang isip na i-block ang mga ito.

Aniya, “Mas importante kase peace of mind ko ngayon kesa negatibong hangin mo eh. Para masaya tayo pareho. Diba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Netizens naguluhan sa muling pagpapakasal ni Gladys Guevarra: ‘Anyare sa wedding nila ni Mike Navarrete noong 2021? Iba na naman yarn?!’

Gladys Guevarra nagalit kay Mega: Malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay mong ugali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending