Model-dancer nagandahan lang kay Cianne kaya humingi ng kiss

Model-dancer nagandahan lang kay Cianne kaya humingi ng kiss, nag-sorry

Ervin Santiago |April 13,2024
facebook
share this

Model-dancer nagandahan lang kay Cianne kaya humingi ng kiss, nag-sorry

Ervin Santiago - April 13, 2024 - 11:07 AM

Model-dancer nagandahan lang kay Cianne kaya humingi ng kiss, nag-sorry

PHOTO: Screengrab from ’24 Oras’, Instagram/@cianne.dominguez

*Trigger warning: Naglalaman ng sexual harassment at rape

NAG-SORRY ang model-gay bar dancer sa “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez at sa pamilya nito matapos akusahan ng tangkang panggagahasa.

Arestado at nakakulong na ngayon sa Quezon City Police District station ang naturang lalaki na kinilalang si Shervey Torno kasunod ng pagsasampa sa kanya ng mga kaukulang kaso.

Inakusahan siya ni Cianne ng pambabastos at tangkang panghahalay habang pauwi umano siya ng tinitirhang condo unit sa Quezon City.

Sa video na kuha mismo ng biktima, makikita ang suspek na nagmamadaling bumaba ng hagdan ng condo matapos niya ito g pagbantaan na ipapaaresto sa pulis.

Baka Bet Mo: BF ni Cianne Dominguez nagbanta sa gay bar dancer: ‘An eye for an eye’

Sa panayam ng “24 Oras”, inamin ng suspek na nagandahan lang daw siya sa TV host at nanghingi siya ng halik.

“Sinundan ko siya. Hiningi ko ‘yung pangalan. Sinabi ko na pa-kiss ako, tapos bandang huli sinabi dito sa pulis na hinawakan ko daw balakang n’ya, eh hindi naman po totoo,” ang pahayag ng nakakulong na suspek.

Patuloy pa niyang depensa, “Tsaka po pinasok ko raw siya sa unit niya sa condo, eh, di totoo iyon.”

“Kaya ko tinulak nang konti ‘yung pinto kasi inipit niya yung paa ko,” ang sabi pa ni Torno.

Sa huli, humingi rin ng pasensiya ang suspek sa biktima at sa pamilya nito.

Samantala, ipinag-utos naman ng District Director ng QCPD na si PBGen. Red Maranan na magsagawa ng kaukulang imbestigahan hinggil sa pangyayari.

Pinayuhan din niya ang lahat ng mabibiktima ng karahasan at pambabastos na tumawag sa 122 para agad makaresponde ang kanyang mga tauhan.

Nauna rito, mismong ang ama ni Cianne na si Johng Florendo, ang nag-post sa kanyang social media account ng naganap na panghaharas nitong nagdaang April 11.

Sa Facebook, ibinahagi ng ama ni Cianne ang ilang pictures ng suspek na kinilalang si Shervey S. Torno, a.k.a. Ronnie Gray.

“Tonight, my family were bothered to what happened to my daughter Cianne Dominguez. She was attemptedly raped by this guy named Shervey S. Torno. A gay bar dancer and performer,” ang panimulang pagbabahagi niya sa kanyang post.

Kwento pa niya, sinundan ng suspek ang kanyang anak sa tinitirhang condo nito at nang makapasok sa unit si Cianne ay pinigilan daw ng lalaki ang pagsara ng pinto at pilit siyang hinalikan.

“Short story is, the suspect followed my daughter to her condo, forcibly preventing the door to be closed and held her waist forcing to kissed her,” kwento pa ng ama ng TV host.

Patuloy niya, “Good thing that my daughter is strong enough to resist and the suspect ran. My daughter took a video footage of him as he’s escaping.”

“Shervey a.k.a Ronnie Gray ran along EDSA trying to escape but was captured by the OIC of the condominium. Shervey is now under the custody of QC Police District 10 and facing serious charges,” ang sabi pa sa post.

Ibinunyag din ni Johng na lubos na na-trauma sa pangyayari ang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Please pray with us for my daughter as she is under trauma of the said incident,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending