Scarlett Johansson, Channing Tatum magtatambal sa ‘Fly Me to the Moon’
SA kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang proyekto ang dalawang bigating Hollywood stars na sina Scarlett Johansson at Channing Tatum.
Ang dalawa ay magtatambal sa romantic-comedy film na may titulong “Fly Me to the Moon” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na Hulyo.
Ito ay mula sa direksyon ng American screenwriter at film producer na si Greg Berlanti na nasa likod ng blockbuster films, kabilang na ang “Love, Simon,” “Green Lantern,” at “Free Guy.”
Sikat din siya sa ilang ginawang hit series, katulad ng “You,” “Supergirl,” “The Flash,” at marami pang iba.
Sa official trailer ng upcoming movie, mapapanood na iikot ang istorya sa gagawing makasaysayang historic moon landing ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa pamamagitan ng pag-launch ng Apollo 11.
Baka Bet Mo: Trailer ng ‘Joker 2’ nina Lady Gaga, Joaquin Phoenix ibinandera na
Si Channing ang mangunguna sa nasabing misyon ng space agency, habang si Scarlett ang gaganap na isang marketing specialist.
Ang karakter ng dalawang bida ay mapipilitang magtrabaho sa isang proyekto at ito ang magiging daan nila upang ma-inlove sa isa’t-isa.
“Brought in to fix NASA’s public image, sparks fly in all directions as marketing maven Kelly Jones (Johansson) wreaks havoc on launch director Cole Davis’s (Tatum) already difficult task,” kwento sa bahagi ng synopsis na inilabas ng Columbia Pictures.
Patuloy pa, “When the White House deems the mission too important to fail, Jones is directed to stage a fake moon landing as back-up and the countdown truly begins.”
Maliban kina Scarlett at Channing, tampok din sa upcoming film sina Nick Dillenburg, Anna Garcia, Jim Rash, Noah Robbins, Colin Woodell, Christian Zuber, Donald Elise Watkins, Ray Romano at Woody Harrelson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.