Channing Tatum nagpasabog ng sexy dance, hot scenes sa ‘Magic Mike’s Last Dance’
NAPAAGA yata ang Valentine’s Day pasabog ng Hollywood actor na si Channing Tatum, lalo na sa mga single ladies diyan!
Showing na kasi ang huling parte ng blockbuster musical comedy na “Magic Mike.”
Pitong taon mula nang huling ipinalabas ang pelikula ay muling pinatunayan ni Channing na siya pa rin ang hari pagdating sa sexy dance na may kasamang hot scenes.
Ang istorya ng “Magic Mike’s Last Dance” ay iikot pa rin kay Mike, ang karakter na ginagampanan ni Channing, na nagtungo sa London kasama ang isang mayamang socialite na si Max na binigyan siya ng magandang trabaho sa isang theater.
Katambal diyan ni Channing si “Max” na ginagampanan ng Mexican-American actress na si Salma Hayek Pinault.
“Mike and Maxandra meet at a very interesting moment in their lives. Mike had taken his furniture company as far as it could go and it folded; Max had been in a marriage for a number of years and it’s fallen apart,” kwento ni Channing.
“They are both at this crossroads, thinking, ‘Who do I want to be now? What do I do now?’ That’s where we meet them, and where they meet each other,” aniya.
Bukod sa kanila, tampok din sina Ayub Khan Din, Jamelia George, Juliette Motamed at Vicki Pepperdine.
Nabanggit din ng aktor na matinding training at workshop ang pinagdaanan niya para sa pelikula.
Sabi niya, iba na kasi ang kondisyon ng kasalukuyan niyang katawan kumpara noong mga naunang franchise ng nasabing pelikula.
Chika niya, “At 42, it’s a whole different thing than when I was actually dancing at 19.”
Patuloy ng aktor, “It’s a full-time job, one-hundred percent. And the dancers, for me, were the reason to do the movie.
“They’re killers, each and every single one of them can do something that no one else on the planet can do as well, they’re one of a kind.”
“And because of the Magic Mike Live shows around the world there are so many of them, so it was really hard to pick which dancers we wanted for the movie,” aniya.
Matatandaang taong 2012 nang unang nirelease ang “Magic Mike” at sumunod diyan ang “Magic Mike XXL” na ipinalabas noong 2015.
Related chika:
OG team ng ‘Magic Mike’ muling magsasanib-pwersa para sa ‘finale’ ng pelikula after 7 years
Ion Perez sinorpresa si Vice sa Channing Tatum look: ‘O, na-in love ka na naman?’
Balitang pumanaw na si Mike Enriquez…fake news: ‘Buhay na buhay pa ‘ko’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.