Kylie pinuri ang ex-BF na si Jake: He is such a good person

Kylie super happy sa dyowa; pinuri ang ex-BF na si Jake: He’s a good person

Pauline del Rosario - April 12, 2024 - 10:22 AM

Kylie super happy sa dyowa; pinuri ang ex-BF na si Jake: He’s a good person

Kylie Verzosa, Jake Cuenca

MASAYA at peaceful ngayon ang lovelife ng beauty queen actress na si Kylie Verzosa.

Ito ang paglalarawan mismo ni Kylie nang makapanayam siya ng veteran journalist at broadcaster na si Karen Davila na ibinandera sa YouTube.

Sa interview, muling binanggit ni Kylie Verzosa ang pagiging pribado niya sa dyowa at inilarawan pa kung gaano ito ka-supportive sa kanyang trabaho.

“I come from a different industry, he comes from a different industry. He respects mine and I respect his job. He’s very supportive on everything that I do and I’m so happy and I’m so lucky. It’s very peaceful,” sey ng aktres.

Kasunod niyan ay inusisa siya ni Karen kung paano sila nagkakilala ng boyfriend.

Baka Bet Mo: Kylie Verzosa ‘di naniniwalang pwedeng maging friends ang mag-ex

Chika ng beauty queen, “Through a common friend and we immediately just clicked.”

Naitanong din si Kylie kung ano ang kaibahan ng pagkakaroon ng showbiz dyowa sa non-showbiz.

Ang sagot ni Kylie, mas tahimik at mas na-a-appreciate niya ang pagiging “special” ng kanyang romantic relationship.

“It’s more peaceful. There’s less pressure on the relationship,” sambit niya.

Paliwanag niya, “It’s something that I appreciate na tinatago ko lang para sa sarili ko. Yes, I am in showbiz and so many parts of my life [are] exposed to the public, but this is something special and ours to keep.”

At speaking of showbiz, biglang itinanong ng newscaster si Kylie kung bakit hindi nag-workout ang relasyon nila ng ex-boyfriend na si Jake Cuenca.

Nanatiling tikom ang bibig ng aktres at pinasasalamatan na lamang niya ang nangyari sa kanila.

Pinuri rin niya ang aktor at inilarawan na isang mabuting tao ang dating dyowa.

“That part of our lives, I would prefer to just keep it to the both of us,” saad niya.

Patuloy ng aktres, “I’m grateful for everything that happened. He is such a good person and I have nothing but good things to say about him. It’s been two years now, I think.”

At sa dalawang taon na ‘yan ay inamin ni Kylie na never pa silang nagkausap o nagkita ni Jake.

“I think it should be like that. I don’t think exes should remain exes,” wika pa niya.

Bandang huli, sinabi ni Kylie na pangarap niya ring ikasal at magkaroon ng sariling pamilya.

“Do you want a family? Kids?” tanong ni Karen.

Tugon ng beauty queen, “Of course. I would love to be a mom. I wanna have kids. I used to be a preschool teacher before joining my binibini days.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, April 2022 nang maghiwalay sina Kylie at Jake makalipas ang dalawang taong magdyowa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending