Kylie Verzosa in a relationship sa isang foreigner

Kylie Verzosa in a relationship sa isang foreigner: I want to keep it private this time

Therese Arceo |November 29,2023
facebook
share this

Kylie Verzosa in a relationship sa isang foreigner: I want to keep it private this time

Therese Arceo - November 29, 2023 - 02:55 PM

Kylie Verzosa in a relationship sa isang foreigner: I want to keep it private this time

Kylie Verzosa

IBINANDERA ng actres-beauty queen na si Kylie Versoza na masaya na ngayon ang kanyang puso.

Sa naging panayam ng dalaga sa ABS-CBN News ay inamin nitong in a relationship ma siya at ang kanyang dyowa ay wala sa showbiz at hindi rin ito Pilipino.

Pagbabahagi ni Kylie, “Yeah, I am dating someone non-showbiz. I’m so happy, I’m so happy.

“Honestly, I want to keep it private this time, so it’s a private relationship and it’s so much more peaceful. It’s really, really peaceful.”

Natanong naman si Kylie kung kaya na ba niya itong ipakilala sa publiko.

“I don’t know,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa ni Kylie, “Siguro ano, when I would want to show it. But right now, I’m so happy.”

Matatandaang ang huling nakarelasyon ng actress-beauty queen ay ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca.

Tumagal ang relasyon ng dalawa ng tatlong taon ngunit nagtapos ito noong April 2022.

Baka Bet Mo: Kylie Verzosa mas tumaas ang respeto sa mga ‘sugar baby’, kinarir ang pagda-diet para sa pagsusuot ng 2-piece bikini

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Inamin nga noon ni Kylie sa kanyang panayam kay Vice Ganda na mapapanood sa YouTube channel nito na inakala niyang si Jake na ang kanyang makakatuluyan at makakasama sa habangbuhay.

“Akala ko siya na. Alam mo yung ganun? Hindi masyado. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak, akala ko siya na, pero… tsaka nagmahalan kami, we loved each other.

“Sobrang happy kami sa relationship, and sobrang grateful ako sa relationship. Hindi ako in shock, pina-process ko pa talaga lahat, process siya,” lahad ni Kylie.

Tila parehas naman nang naka-move on ang dalawa dahil lately ay nauugnay naman si Jake sa Kapamilya actress na si Chie Filomeno.

Samantala, may ilang netizens na nag-iisip kung ang kasama ba ni Kylie sa nagdaang Opulence Ball ang kanyang bagong boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pa namang pahayag si Kylie uko sa balitang ito.

Mananatiling bukas ang Bandera para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending