DonBelle may bagong pausong 'relationship status', relate ka?

DonBelle may pausong ‘relationship status’; ‘Zoomers 2’ babandera na

Ervin Santiago - April 11, 2024 - 07:41 AM

DonBelle may pausong 'relationship status'; 'Zoomers 2' babandera na

Belle Mariano at Donny Pangilinan

MAY bagong pausong “label” sa pakikipagrelasyon ang hit Kapamilya romcom series na “Can’t Buy Me Love” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Pak na pak sa mga manonood all over the universe ang nakaraang episode ng trending teleserye ng DonBelle dahil sa latest development sa real status ng mga karakter nina Bingo (Donny) at Caroline (Belle).

Sinagot na kasi sa wakas ni Bingo kung ano nga ba ang relationship status nila ni Caroline sa nakaraang episode ng “Can’t Buy Me Love.”

Naging open na kasi si Bingo tungkol sa kanyang lovelife nang matanong ng kanyang inang si Annie (Ina Raymundo) kung magdyowa na ba sila ni Caroline.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati sa ‘relationship status’ nila ni Richard Gutierrez: ‘We’re OK’

“Hindi ho. Hindi pa. Tawag ni Snoop (Anthony Jennings) sa status namin, ‘ayos lang kami status,'” sey ni Bingo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


“Bagong label ba ‘yan? Kayo talagang mga kabataan. Kung sa bagay, parang ganoon din kami ng love ko, ex-husband,” ang nalolokang sey naman ni Annie.

Bigla namang nahinto ang chikahan ng mag-ina nang dumating ang mga pulis at imbitahan si Annie sa presinto para sa pagpatay umano kay Divine Almazan, ang nanay ni Caroline.

Napapanood pa rin ang “Can’t Buy Me Love” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, TFC, iWantTFC, Netflix, A2Z, at TV5.

* * *

Muling magpapakilig sina Harvey Bautista at Criza Taa sa bagong season ng youth-oriented series ng ABS-CBN na “Zoomers,” na naging most viewed Made For YouTube series matapos nakakuha ng 4.2 million views sa unang season nito.

Trending at naging usap-usapan sa social media simula noong Enero ang serye at ang mga cast member nito dahil na rin sa audition process na natunghayan ng netizens na mas naipakilala ang bawat artista pati na rin ang mga pinagdaanan ng mga karakter nila sa palabas.

Baka Bet Mo: Harvey Bautista-Criza Taa loveteam may magic, magpapakilig sa ‘Zoomers’

Lubos ang pasasalamat ni Harvey Bautista para sa suportang natanggap nila ni Criza sa unang season ng “Zoomers” at sa tambalan nilang “CrizVey.”

“Hindi namin akalain ni Criza na mangyayari ‘yun. We were overwhelmed kasi di namin in-expect ‘yung feedback ng mga tao na ganoon ka-positive. Overwhelming pero at the same time very thankful na pumatok ‘yung pairing naming dalawa,” sabi niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Harvey Bautista (@hrvbtsta)


Samantala, ibinahagi ni Ralph De Leon na marami siyang natutunan sa unang sabak niya sa pag-arte sa “Zoomers”  tulad ng maging natural lang tuwing uma-aarte habang masaya naman si Krystl Ball na malugod na tinanggap ng viewers ang girls-love tandem nila ni Kei Kurosawa.

Iikot pa rin ang bagong season ng serye sa buhay ng barkada nina Jiggs (Harvey), Hope (Criza), Atom (Ralph), Tanya (Krystl), at Kokoy (Luke Alford) na pipiliin i-spend ang kanilang huling bakasyong magkakasama bago tuluyang pumasok kolehiyo.

Sa kanilang pagsasama, makakaranas sila ng mga hindi inaasahang pangyayari na maaaring magpatibay o maging mitsa ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan.

Mula ng magsimula ito noong Enero, labis ang papuri ang natanggap ng “Zoomers”  dahil sa pagpapalabas ng mga karanasan at hamon na kinakaharap ng maraming Gen Z, tulad ng mga isyu tungkol sa droga, bullying, mental health, bisexuality, at marami pang iba.

Bukod pa rito, naging inspirasyon rin sa aspiring artists ang bawat cast member sa matapang nilang pagsubok sa hamon ng auditions para mapabilang sa hit youth oriented series.

Makakasama rin nina Harvey, Criza, Luke, Krystl, at Ralph ang mga Star Magic artist na sina Zabel Lamberth, Hadiyah Santos, Luis Vera Perez, Erika Davis, Kei Kurosawa, at Zach Castañeda.

Ang “Zoomers” Season 2 ay nasa ilalim ng produksyon ng RCD Narratives at idederehe ni Kevin Alambra kasama ang creative producer na si Theodore Boborol, at head writer na si Carmela Abaygar, at episode writers na sina Carol Navarro, at Airic Diestro.

Pinangunahan ng direktor na si Chad Vidanes ang unang season ng serye, na magiging line producer na sa darating na season.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin nalalapit na season 2 ng youth-oriented series ng ABS-CBN na “Zoomers.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending