Herlene Budol sa viral video: Big issue agad sa panty?

Herlene Budol sa viral video: Big issue agad sa panty?

Therese Arceo |April 09,2024
facebook
share this

Herlene Budol sa viral video: Big issue agad sa panty?

Therese Arceo - April 09, 2024 - 07:23 PM

Herlene Budol sa viral video: Big issue agad sa panty?

NAGSALITA na ang actress-comedienne na si Herlene Budol tungkol sa kasalukuyang kinasasangkutang kontrobersiya.

Sa kanyang Facebook page ay inilabas niya ang kanyang saloobin sa kumakalat na chika na akaidenteng nakita ang kanyang pribadong parte ng katawan habang ito ay naka-live.

Agad na dinepensahan ni Herlene ang sarili laban sa mga negatibong komentong kanyang natatanggap mula sa netizens.

Aniya, wala siyang nakikiyang mali sa kanyang nagawa.

Baka Bet Mo: Herlene Budol pumalag sa viral screenshots: Bakit ako nakaladkad?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Big issue agad sa panty? Personally, I don’t see anything wrong for the panty issue,” saad ni Herlene.

Giit niya, madalas naman daw siyang mah-swim suit na mas malala pa sa nag-viral niyang video na kuha mula sa kanyang live.

“Halos abot hanggang langit nga hugis ng swimsuit ko, tapos ito panty lang,” sey ni Herlene.

Pinaalalahanan niya rin ang madlang pipol na parte ng buhay ang pagkakamali.

“Well, its part of human error & always remember mistake is part of human being,” hirit ni Herlene.

Matatandaang nag-live siya sa Instagram noong Huwebes, April 4, habang kumakain ng kanyang hapunan.

Ngunit bago matapos ang kanyang live stream, tumayo siya na tila may kukuhain at huli na nang ma-realize niya na wala siyang suot na pang-ibaba.

“Tingnan mo nakita ba?” tanong niya sa kasama sa bahay.

At makalipas nga ang ilang araw ay nag-viral ang clip na kuha sa kanyang live.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tila hindi talaga tinatantanan ng mga kontrobersiya si Herlene dahil bago matapos ang 2023 ay nasangkot ito sa isyung may “something” sa kanyang “Magandang Dilag” leading man na si Rob Gomez matapos kumalat online ang screenshot ng kanilang pag-uusap.

Agad namang itinanggi ni Herlene ang isyu na buntis siya at si Rob ang ama.

“Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho. Gagawan ka ng issue!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending